Saturday, June 10, 2006

AUBREY MILES ARTICLES (2002)

WRITER'S NOTE: Back in 2003, to make ends meet, I contributed articles to different small publications. Here are some of the articles I wrtote back thenespecially for SKYLAND NEWS in Baguio. Special thanks to Chit Balmaceda for featuring them on the pages of the paper. I am sharing the articles to anyone who might be interested to read about Directors Erik Matti, Jon Red, and Larry Manda, and actors Epi Quizon, Tado, Aubrey Miles, and Alessandra de Rossi.

AUBREY MILES: PATRON NG MGA PROSTI
mula sa panulat ni SIGFREID BARROS-SANCHEZ

PUTA. Ewan ko kung marunong pa akong magpatawa.

Nu’ng nakaupo pa si Erap, ipinakilala na raw sa kanya si Aubrey Miles.

“Ikinagagalak kitang makilala, Aubrey Mile,” may pagnanasang banggit ng dating pangulo habang nakatitig sa dibdib ng dalaga.

Ngumiti si Aubrey sa pagkakamali ni Erap. “Nakalimutan niyo po ‘yung “S,” sir,” puna nito.

“Oh, excuses me,” kabig ni Erap. “Let me corrects myself… Ikinagagalak kitang makilala, Aubrey Smile.”

Marahil nga na kung nu’ng panahon ni Erap binanggit ang pangalang “Aubrey Miles,” wala tayong kaide-ideya kung sino siya. Foreigner siguro, iisipin natin. Bagong kalye, maaaring isagot ng mga pilosopo. Ang katunayan, mga ilang buwan pa lang ang nakararaan, hirap akong ipakilala si Aubrey sa mga kakilalang nagtatanong kung sino ang bida ng bagong pelikula kong minamakinilya.

“’Yung nasa patalastas ng Greenwich Seafood Pizza…”

Patlang.

“’Yung nasa commercial ng Sprite na nandoon si Piolo…”

Akala ko nahuli na. “’Yung sumigaw?”

“Hindi. ‘Yung nakasalamin sa likod…”

May dumaan na anghel.

“Puta sa lahat na nagtuturing ang babae’y basahan,
Laslasin ang pulso at pasabugin ang tiyan…”

Nakakatawa pero hanggang sa matapos ang huling araw ng shooting ng pelikulang “Prosti” ng Regal Films noong Hulyo, hindi pinagkaguluhan ng tao si Aubrey. Lumibot na sa Pampanga, San Juan, Caloocan, Makati, at Quezon City ang mga lokasyon ng shooting pero hindi dinumog ng mga miron ang bagong Regal baby ni Mother Lily. Nagtatanong ang mga tao kung sino ang bida pero tanging si Jay Manalo lang ang kilala nila. “Ano ulit ang pangalan nu’ng babae?” madalas na itanong. “Audrey ano?”

Ito ay bago maglabasan noong isang buwan at pagpiyestahan ng mga kalalakihan ang mga seksing litrato ni Aubrey Miles sa mga tabloid. Bago maging palaman ang hubad niyang katawan ng September isyu ng isang panlalaking magasin. Bago maging paksa siya ng usapan ng mga manginginom sa umpukan. Bago kutkutin sa tsismisan ang mga pribadong bagay sa buhay niya. Bago maging ang pagbigkas ng kanyang pangalan ay parang sindali na lang ng pagbawi ni Gloria sa mga balitang nakuryente siya.

“Nakikilala na ako ng mga tao,” pagmamalaki ni Aubrey sa isang panayam sa Roadrunner Office sa Timog kung saan idinaos para sa mga PRESS ang isang special preview ng kanyang launching movie. “Simula nu’ng lumabas ‘yung mga litrato, may mga nagpapa-sign na, may mga nagpapa-picture, may mga tumatawag na sa pangalan ko, at may mga nagsasabing “Pamilyar ka, a! Pamilyar ka!” Mas nakikilala na ako.”

“Puta sa lahat na nagtuturing ang babae’y basahan.
Hilahin ang dila at galugarin ang lalamunan…”

Dalawampung taon na ang nakakaraan nang isilang si Aubrey sa isang payak na mag-anak ng mga Santos-Sandel sa Marikina. Sa isang awitin ng 70s folk-rock group na Bread kinuha ng ama niya ang kanyang pangalan. Walang kaalam-alam ang ama na balang-araw ay magiging bukambibig ang pangalang ibinigay, hindi lamang sa mga eskinita ng Tondo, kundi hanggang sa malalawak na opisina sa Ayala. Maagang naghiwalay ang kanyang mga magulang, bagay na labis na ikinalungkot ni Aubrey at ng dalawa pa nitong kapatid.

Sa acting workshop na isinagawa ni Direk Erik Matti noong Mayo hanggang Hunyo para mailabas at mahasa ang natatagong talento ng buong cast ng “Prosti,” nag-aalangan pa si Aubrey na pakawalan ang mga pribadong bagay sa buhay niya. Matigas pa ito at mapapansing sarado at hindi madaling magtiwala sa ibang tao. Bagay na naging pabigat sa simula sa kanyang direktor. “Matatapos na tayo sa workshop pero I still don’t know you,” natatandaan kong kumento ni Direk Erik. Galit rin itong pinalabas ng respetadong megman sa kuwarto na pinagdadausan ng workshop sa Regal office nang sa imbes na seryosohin ang exercises na ibinibigay ay nahuli pa itong bumubungisngis at tumatawa.

“Hindi ko kasi akalain na ganoon siya, na strict siya sa work,” pag-amin ni Aubrey nito na lang huli.

Huling araw mismo ng workshop nang sinorpresa ni Aubrey ang direktor at hinarap ang mga multo na matagal na niyang tinatakasan. Ikinuwento nito na naging malaking dagok ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang sa kanya dahil, bilang bunso, siya ang beybi-beybi ng kanyang ama. Binalikan niya ang masasayang bahagi nu’ng magkasama pa sila ng kanyang ama at bagamat malaki ang hinanakit niya rito, ang pagkikita muli at pag-uusap nila ang siyang pinakaaasam-asam ng dalaga. Ito rin ang nagpabagsak sa maraming luha niya bagamat sa exercise ay pinapaalis niya na ito sa buhay niya.

Hindi ko rin masisisi si Aubrey kung sa ilang mga tanong ko sa kanya ay relaks siya at parang sumasagot ng tanong sa isang beauty contest. Ito kasi mismo (beauty contests) ang bumuhay sa kanilang pamilya noong panahong mag-isa na lamang ang kanyang ina na nag-aahon sa kanila. Kasama ng isa niya pang kapatid, lilibot sila at sasali sa iba’t ibang beauty contests, sa iba’t ibang lungsod sa Kalakhang Maynila, para lamang may perang maipambayad sa tuition at maiambag sa bigas at ulam sa araw-araw. Nakakatawang anekdota, pero gamit niya ang apelyido ng kanyang ama samantalang apelyido naman ng ina ang gamit ng isa sa mga timpalak. Naghahanap din sila ng kamag-anak o kakilala sa lugar kung saan may beauty contest para palabasin na kunwa’y sa bahay ng mga ito sila nakatira at sila’y legal na residente para makasali . Madalas, pareho silang magkapatid ang pasok sa finalists at kalauna’y nag-uuwi sa top three prizes.

Sa beauty contest rin na Elite Model noong 1998 nadiskubre ng pamosong talent manager na si Wyngard Tracy ang 5’6” na dalaga. Agad siyang binigyan ng pagkakataong ipamalas ang kakayahang umarte sa sitcom na “Beh Bote Nga” ng GMA-7 kasama ang isa pang baguhan na si Sharmaine Santiago. Pamangkin ni Tiya Pusit at Dick Israel na nagbabantay sa tindahan ng dalawa ang kanyang papel at naging love interest kunwa dito ni Anjo Yllana. Sinundan pa ito ng ilang guest appearances sa “Pira-Pirasong Pangarap” at sa “Bubble Gang,” at pagkatapos ay bigla na lang itong naglahong parang bula. Ayon sa ilan, gaya ng nakasanayan, tinangay raw ng pag-ibig sa lupain ni Uncle Sam. Marami pang usap-usapan ang nagsulputan pero hindi naman lumawak at pinatulan ng mga nagbebenta ng laway dahil, noong mga panahon na iyon, sino nga naman si Aubrey Miles?

“Puta sa lahat ng nakangiti’t nakatanga lang,
sa harap ng babae na kita ang laman…”

Mahigit dalawang linggo ko ring ginalugad si Aubrey para sa isang interview. Huli kaming nagkita sa España, sa isang bus station sa tabi ng Mayric’s at sa tapat ng dati niyang eskwelahan, ang UST, kung saan siya nag-aral ng dalawang taon sa Conservatory of Music. Shooting ito ng bago niyang pelikula, ang “Una’t Huli” kung saan itinatambal siya kay Richard Gomez sa isang teacher-student relationship, anti-tweetums trap na pelikula muli ni Erik Matti. Kung hindi nasa Bicol, nasa Subic ang dalaga para sa isang pictorial ng isang kalendaryo. Alas-sais ng gabi nang i-text ako ng assistant niya na tagpuin ko raw sila sa Roadrunner ng alas-siete at tutulak din agad sila at babalik sa Subic. Sa muling pakikipagharap sa aktres, iisa ang napuna ko: Mabilis na nakapag-adjust at nakapag-mature ang bagong sex symbol ng dekada. Bagay na sinang-ayunan ni Direk Matti na nanduon rin nu’ng araw na iyon.

“Nagkaroon na siya ng self-confidence,” ani ng direktor. “Kaya na niyang mag-tackle ng scenes with other actors na more established than she is. Hindi na siya naiilang.”

“Ang maganda kasi kay Aubrey, kahit na baguhan pa lang siya, ay madali siyang nakapag-adopt at natuto tungkol sa paggamit ng camera,” dagdag pa ni Direk Erik. “Ito kasi ang pinaka-last na natututunan ng mga baguhang artista, ang gamitin ang camera. Ito ‘yung pag-alam mo kung saang anggulo ka kinukuhanan ng camera, gaano kaganda ang shot, at gaano karaming arte ang iyong ibibigay base sa shot. Aware kaagad siya dito. At ‘yun ang maganda sa kanya.”

Bagay naman na ibinato pabalik ni Aubrey sa direktor, “Pinanood ko ‘yung “Dos Ekis” niya at “Scorpio Nights 2” kaya may ideya na ako kung ano ‘yung hihingin niya. Kung titingnan mo kasi ‘yung mga shots niya, hindi puwedeng bahala na. Hindi puwedeng basta-basta. Very professional.”

Kung kaya nga, istorya man ng pagpuputa ang pelikula, hindi ito lumabas na bastos at imoral. Maging ang bagong MTRCB, na kamakailan lamang ay nagpaulan ng ‘X’ sa napakaraming pelikula, ay walang nakitang malaswa at kontra-moralidad sa “Prosti” kung kaya’t magaan itong pinatawan ng R-18 rating, without cuts. Bagay na ikinabigla ng lahat.

“Nu’ng pinapanood ko ‘yung mga bold scenes, napapayuko ako pero hindi ako nahihiya,” sambit ni Aubrey. “Sobrang worth ‘yung pinaghirapan ko. May mga scenes do’n na sobrang pagod na pagod na ako na feeling ko sa mga scenes na iyon, hindi ko nai-emote ng mabuti. Pero nu’ng makita ko, okey pala. Magaling si Direk mag-motivate at magpiga ng acting. Pagod ka na pero kailangang i-express mo pa rin ‘yung nararamdaman ng character mo. Pagod ka na pero kailangang ipakita mo na hindi ka pagod.”

“Puta sa lahat ng nanonood at nakangiti,
Nakatanga’t nakangiwi, labas ang titi…”

Sa ngayon, hindi nga puwedeng mapagod si Aubrey Miles. Nagsisimula pa lang siya. Dalawa pa lang sa walong eksklusibong pelikula na pinirmahan niya sa kanyang kontrata sa Regal ang kanyang nagagawa. Malayu-layo pa ang kanyang lalakbayin, marami pang dumi at alikabok ng showbiz ang kakainin. Subalit, ngayon pa lang, pakiramdam niya ay kailangan na niyang mag-ambag kahit papaano sa lipunang kanyang ginagalawan. Alam niyang sa mala-birhen niyang mukha, malaki ang kanyang maitutulong para maiangat ng ibang kababaihan ang tingin nila sa kanilang sarili. Nakahanda siyang gampanan ang papel ng pag-asa’t patron ng mga prosti.

“Hindi lahat ng prostitutes walang pangarap,” matalas niyang banggit. “May mga prostitutes na may gusto ring marating, may mga prostitutes na gusto ring makapag-aral, may mga prostitutes na gusto ring umayos ang buhay nila pero hindi sila binibigyan ng chance dahil mababa ang tingin sa kanila. Ang gusto ko lang, mabigyan sila ng chance at pansin kasi lahat naman ng tao may karapatang mabigyan ng chance at umayos ang buhay. May mga tao pang mas kailangan ng hope.”

Ganitong ugali, kung mapapanatili, ang magdadala kay Aubrey sa kasikatan upang matamo ang inaasam na katawagang “artista”. Bayan na ang maghahatol sa kanya. Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang kanyang katanyagan at kasikatan. May nakaantabay na na modeling contract mula sa isang sikat na clothing wear, sangkatutak na proposisyon para lumabas sa iba’t ibang kalendaryo next year, kaliwa’t kanang hiling na interviews at pictorials, umaalong product endorsements, iba’t ibang offer sheets ng recording, at lumalawak na mga tagahanga mula sa iba’t ibang rehiyon.

Sikat na si Aubrey. Hindi na siguro magkakamali si Erap sa pangalan niya. Pati si Ate Glo, malabong makuryente kung tatanungin tungkol sa kanya. Huwag tayong mabibigla kung isang araw ay makita natin siyang katabi ang Pangulo para sa isa na namang photo-ops. Kapag nangyari ito, isa lang ang pihadong masasabi ko…

“Puta.*”

(* mula sa tulang “Puta” ni Benilda ‘Wendy’ Castro)


LICK, SUCK, EAT, AUBREY
By SIGFREID BARROS-SANCHEZ

FILMDOM almost lost an Aubrey Miles to Baguio.

“Sobrang bilis ang takbo nu’ng kabayo,” silverscreen’s newest sex siren recalls her experience at Wright’s Park, “Nagtatatakbo siya. Tinatawag ko ‘yung ate ko pero nahulog na ako. Nagkaroon ako ng sugat sa mukha.”

Lucky for her and for us, the wound quickly healed so that when we watch her launching movie, Erik Matti’s “Prosti” for Regal Films, we won’t find any trace of the Baguio experience on her stunning and radiant face. The horse, perhaps knowing that someday the pretty looker’s body will be her ticket to stardom, miraculously averted his hoops’ possible brush with Aubrey’s toots.

“Pero sobrang happy pa rin ako sa Baguio,” she conciliates. “Nami-miss ko ‘yung ukay-ukay, ‘yung bilihan ng mga damit.”

Eat

It’s hard to believe that, a few months ago, I was having a hard time describing to friends the female protagonist of the story I was tinkering on my computer keys.
“Yung nasa patalastas ng Greenwich Seafood Pizza…”

Duh.

“Yung nadoon sa commercial ng Sprite na nandoon si Piolo…”

I thought they had it. “Yung sumigaw?”

“Hindi. ‘Yung nakasalamin sa likod…”

Dead stares.

For making them do something that they seldom do on their own (think, that is), I ended up treating pizza and soda instead. Funnier is the fact that up to the last shooting day of “Prosti” last July, people never even bothered to mill around Aubrey. Locations changed from Pampanga to San Juan to Caloocan to Makati to Quezon City but the usual Pinoy miron never ogled at her. Fact is, Aubrey can move freely to ride and drive her red car to and from shoot without fear of being groped or touched by male fans with shooting hormones. It was Jay Manalo, his co-star for “Prosti,” who solicits more shrieks, name calls, picture-taking, and autograph signing. For Aubrey, mothers carrying their kids has this constant question, “Ano ulit ang pangalan nu’ng bida niyong babae? Audrey?”

But all these have changed during last weekend’s special preview for movie writers of Matti’ newest opus at the Roadrunner office in Timog, Quezon City. All eyes, questions, cameras, tape recorders, and videocams were on this 20-year old lass from Marikina. As for Jay Manalo, he was comfortably sitting at the receptionist area playing a computer game, surprisingly, unbothered by anyone.

“Nakikilala na ako ng mga tao,” she beams. “Simula nu’ng lumabas ‘yung mga litrato at trailer, may mga nagpapa-sign na, may mga nagpapa-picture, may mga tumatawag na sa pangalan ko, at may mga nagsasabing “Pamilyar ka, a! Pamilyar ka!” Mas nakikilala na ako.”

Suck

The wheel of fortune is definitely turning in Aubrey’s favor. As if it was only a few months ago, I met her at Direk Erik’s acting workshop for “Prosti’s” first-time actors cast at the Regal Films office in San Juan. She was then very hesitant and cautious in dealing with the exercises the fame megman and basic acting professor was giving her. Something was definitely holding her back and she was very uncooperative at first which earned the ire of the strict Matti. She was kicked out of the room at one point. “Delikado. Mukhang matigas ang ulo,” I remember telling art director Richard Somes. But Direk Erik never gave up on her, even if they have a day left at the workshop and she was still giving the same “fuck you, suck my hinny attitude”. “Matatapos na tayo sa workshop pero I still don’t know you,” commented Erik then.
Who really is Aubrey Miles?

The staff of “Prosti” got the answer to that in a surprising twist of mind-set from Miles at the last minute of the exercise. She offered to take the middle of the room for queries, inquiries, and interrogations. She was ready to face her ghosts.
Miles, who is actually Aubrey Santos Sandel in real life, is a product of a broken marriage. The youngest in the brood of three, she was hurt the most when her parents split up because she was “Daddy’s little girl”. Her mother struggled to keep the kids in school and give them a decent way of life. To make ends meet, she got the idea of entering her kids to various beauty contests after friends find mines lying untapped in her daughters’ faces. Aubrey narrates that she and a sister would enter contests carrying different surnames, she her father’s and the other her mother’s. They will go in and around Metro Manila’s beauty pageants, borrowing the addresses of friends and relatives so that they could present proofs and documents that they really legally live in that place. Most of the times, the sisters would end up entering the finalists and romping off in the end with either of the top three places.

A beauty contest also paved the way for Aubrey to hook up with the promise and glitters of stardom. Veteran starbuilder Wyngard Tracy spotted her at the Elite Model contest in 1998 and immediately got her a stint at GMA7’s “Friends” and “Beh Bote Nga”. It was at “Friends” where she crossed paths with future fellow-boldies Maui Taylor and Pyar Mirasol. After a few guest appearances for “Pira-Pirasong Pangarap” and “Bubble Gang”, she burst into oblivion and the public heard nothing of her. Actually, nobody bothered and cared. After all, who was Aubrey Miles then?

Lick

In “Prosti,” Aubrey takes another crack at the world’s oldest profession by playing Merceditas Bernadas, the student by day, and Melody, the prostitute by night. Her pimp, Nonoy Laki (Manalo), breaks the first important rule in the prostitution ring upon seeing her: “Don’t fall in love with your prostitute”. Things get complicated when Nonoy accidentally kills Nanay Xedes (Racquel Villavicencio), the Mama-San of the brothel house.

“Kepyas, tang-ina, kahit saan kepyas. Kung lahat ng kepyas pagkakakitaan, yayaman ang Pilipinas,” Jay’s character narrates.

Aubrey, although not exactly literally, is following the pointers. Right now, her body, her bosom, and her booty have earned her a modeling contract from Her Bench and countless offers from liquor, cigarette, and magazine companies to pose for their 2003 calendars. Add to these the left and right requests for magazine covers, interviews, pictorials, TV and radio guestings, and recording contracts (she has in her resumé two years worth of training at the UST Conservatory of Music). She is also currently shooting her second film, “Una’t Huli,” for Matti which pairs him with teenage crush Richard Gomez. That’s just for the last quarter of the year.

“What’s nice about Aubrey, eventhough she’s a newcomer is that more than just being able to bring out the emotions needed from her as an actress, she easily adopts to and learn the camera,” Direk Matti lauds at Miles who right now is being teased as his Gong Li, Chinese visual genius Zhang Yimou’s once favorite actress.

“A lot of times, ang last na natutunan ng mga baguhang artista is the use of the camera. It is being to know where the camera is taking your shot, how nice the shot is, and how much acting are you gonna give based on the shot. What’s nice about it is she’s very much aware of it. And since she’s very much aware of it, she knows how to give just the right amount of emotions,” Matti adds.

Compared to the current list of sexy stars in showbusiness, Aubrey licks the competition. She does not have the biggest boobs nor the most whistlebait figure but what puts her above the rest is her sincerity and desire to disrobe her most intimate secrets before the public. She quickly admits that she is no longer a virgin and is proud to say that her “pomelos” are not the product of modern science. Unlike most boldies, who quickly grab at a recording stint even if they don’t have the voice, she, with that Broadway-like voice, is not rushing to have one. She plays the piano and is well-traveled, having gone to some Asian countries and some parts of the States. Heck, she may not even deserve the title “boldie” to her name! Actress? Artist? Well, she’s getting there.

One of her most kept secrets is the Chinese character tattoo she got in Hongkong placed just above the pubic hairline or the mons pubis. It translates to either “eat me, suck me, or lick me.” Also, at this stage, she seems to be carrying the flag for the country’s prostitutes by asking them to stand up, be heard, and fight for their rights.

“Hindi lahat ng prostitutes walang pangarap,” she says, shifting to a stance of a Gabriela. “May mga prostitutes na may gusto ring marating, may mga prostitutes na gusto ring makapag-aral, may mga gusto ring umayos ang buhay nila pero hindi sila binibigyan ng chance kasi mababa ang tingin sa kanila. Ang gusto ko lang, mabigyan sila ng chance at umayos ang buhay. Kailangan nila ng hope at ‘yon ang gusto naming ipakita sa movie namin.”

Definitely, Aubrey, like the Bread song, is not your ordinary girl nor name. And, like another Bread ditty, she’s positively going “miles away”.

1 Comments:

Blogger Nostalgia Manila said...

Want more Pinoy '70s and '80s?

Feeling nostalgic? Get a real dose of NOSTALGIA!

Check out:

http://nostalgiamanila.blogspot.com/

Maraming salamat!
NOSTALGIA MANILA

October 2, 2006 at 3:28 AM  

Post a Comment

<< Home