Friday, September 02, 2005

INDIEFILMMAKING-RELATED QUESTIONS ASKED BY MANILA BULLETIN

INDIEFILMMAKING-RELATED QUESTIONS ASKED BY A NEWSPAPER

QUESTIONS MANILA BULLETIN ASKED ME FROM MANILA BULLETIN.

What specific issues do you think the local film industry urgently needs to address?

TOO MUCH POLITICS IN THE FILM INDUSTRY. "TOO MUCH" MAY EVEN SEEM TO BE A KINDER WORD. BASTA, ANG DUMI-DUMI-DUMI NA NG INDUSTRIYA. HIGH TAXES, R-18 BANS, PIRACY PROLIFERATION, ETC., LAHAT 'YAN NAKAUGAT SA PULITIKA. THERE ARE A LOT OF PROVISIONS, FOR EXAMPLE, IN GRADING WHAT A GOOD FILM SHOULD BE. IT ONLY PERTAINS TO FILMS DOINE BY FILMMAKERS WHO HAVE SUPPORTED THE INCUMBENT PRESIDENT DURING LAST ELECTIONS. IF YOU WILL NOTICE, FILMS LANG NILA ANG PWEDENG MAKAKUHA NG MATAAS NA GRADE. PAG DI KA PRO-ADMINISTRATION, MALAS MO. NAHALUAN NA TALAGA NG SOBRANG PULITIKA LAHAT. CONSPIRACY THEORY NA NGA. NA PATI PAGBABAWAL NG R-18 MOVIES SA ISANG MALL AY POLITICALLY-MOTIVATED. KASI YUNG ANAK NG MALL MOGUL AY KASAMA SA ISANG FILM BOARD KUNG SAAN NAKAUPO ANG MGA FILMMAKERS NA TANGING PELIKULA LANG NILA ANG PWEDENG BIGYAN NG MATAAS NA GRADE AT SABIHING "GOOD QUALITY FILM". NAG-AAWAY-AWAY ANG MGA FILIPINO FILMMAKERS DAHIL LAHAT NABAHIRAN NA NG KULAYO KAYA AY MAY MGA PINOPROTEKTAHAN NANG TAO AT INTERESTS. THE SAD PART IS, TAYO-TAYO NAG-AAWAY NOT KNOWING THAT HOLLYWOOD AND OTHER FOREIGN FILMS ARE LAUGHING ALL THE WAY TO THE BANK. HIGH TAXES, PIRACY, ETC.? LAHAT YAN PART NG POLITICAL PLAN TO KILL THE FILIPINO FILM INDUSTRY AND ITS PASSIONATE ARTISTS SO THAT THESE FOREIGN PRODUCTS ARE THE ONES WE ARE GOING TO BUY AND PATRONIZE. MAY PINOY FILMS PA RIN PERO 'YUN LANG MAY BASABAS NG ADMINISTARTION ANG PWEDENG MAKIPAGSABAYAN NG PROMOTIONS AT MEDIA SPACE. PARANG EKONOMIYA NATIN. PARANG MGA BUSINESSES NA TUMATAKBO SA BANSA. PRO-BIG AND FOREIGN INVESTORS, ANTI-SMALL AND FILIPINO ENTREPRENEURS. ITO ANG KATAS NG WORLD TRADE. HANGGANG SA ENTERTAINMENT RAMDAM. KAYA NGA ANG INDIE/ALTERNATIVE FILMMAKERS DAPAT HINDI SILA SUMAKAY DU'N SA MGA NAKATAYO NA NA ORGANIZATIONS KASI MAY MGA PULITIKA NA DUN. DAPAT KASAMA SILANG GUMIGIBA DU'N SA BULOK NA BIULOK NANG SISTEMA NA KINAIN NG PULITIKA. PAG NAGAWA NILA 'YUN, MAY BAGONG WAVE NA TALAGA NG FILMS, FILMMAKERS, AUDIENCE, PRODUCERS, AND EVEN MEDIA NA SUPPORTIVE SA ISANG BAGO AT WALANG HALONG PULITIKA NA INDUSTRIYA. BUT AS LONG AS INDIE FILMMAKERS WANT TO BE CONTROLLED BY OLD-TIMERS, WALA. INDIE MAN SILANG SABIHIN O BAGONG WAVE PERO PUPPET PA RIN SILA NG OLD TRADITIONS AT NG PULITIKA NG SINUMANG ADMINISTRASYON.

What do you think of past government incentives for film producers to make better quality films in exchange for tax deductions?

FIRST, WE MUST REALLY DEFINE WHAT "BETTER QUALITY FILMS" MEAN AND WHO DEFINES IT. KASI, IF WE LOOK AT THE GOVERNMENT'S DEFINITION OF "BETTER QUALITY FILMS," IT ONLY PERTAINS TO FILMS MADE BY SOME DIRECTORS WHO SUPPORTED THE PRESIDENT'S CANDIDACY AND HER CURRENT POLITICAL AGENDAS. HAVE YOU EVER SEEN THE RULES AND BY-LAWS? LAHAT NG EXAMPLES NG "BETTER QUALITY FILMS" OR STANDARDS PARA SA KANILA NG "BETTER QUALITY FILMS" ARE THOSE FILMS ONLY DONE BY THE PRESIDENT'S ALLIES. PAG ANTI-ADMINISTRATION KA, YOU DON'T FALL IN THE CRITERIA OF "BETTER QUALITY FILMS" PARA SA KANILA. SO, MAY PULITIKA NA NAMANG INVOLVED. SO, ANG DEFINITION LANG NG "BETTER QUALITY FILMS" AY 'YUNG TUNGKOL SA PAMILYA, PAG-IBIG, AT PAGKAKAIBIGAN NA MARE-RESOLVE THROUGH RELIGIOUS MEANS. BAWAL ANG TUNGKOL SA KAHIRAPAN, SA PAG-AAKLAS, O KAHIT SIMPLENG ISTORYTA NA TUNGKOL SA BALL PEN O PAPEL. KAPAG GUMAWA TODAY NG MGA "MAYNILA SA KUKO NG LIWANAG" O "TINIMBANG KA NGUNIT KULANG" O "KISAPMATA", MALAMANG HINDI MABIBIGYAN ANG MGA PELIKULANG 'YUN NG "A" AT NI HINDI MASASABING "BETTER QUALITY FILMS". SAD, PERO TOTOO. I AGREE NA MAGANDA YUNG KAHIT SAMPUNG PELIKULA LANG MAGAWA NATIN SA ISANG TAON PERO QUALITY FILMS LAHAT. PERO KUNG ANG SAMPUNG QUALITY FILMS NA 'YUN AY MAY HALONG PULITIKA ANG PAGKAKAPILI O PAGKAKA-DEFINE NA "QUALITY FILM", DI BALE NA LANG. DU'N NA LANG AKO SA MGA "HINDI" QUALITY PINOY FILMS BUT I KNOW IN MY HEART THAT THEY REALLY ARE. GOVERNMENT INCENTIVES ONLY SERVE THE INTERESTS OF THOSE WHO ARE ONLY PRO-ADMINISTRATION OR WHOEVER SITS ON THE THRONE.

Have you ever seen a Bollywood film?

YES, I HAVE. TINATAWANAN MAN NATIN ANG PORMA AT ISTILO NG BOLLYWOOD FILMS, I AM ALL SALUTE AND RESPECT TO THESE KIND OF FILMS. WHY? BECAUSE, SO FAR, IT'S THE BIGGEST "FUCK YOU!" TO THE HOLLYWOOD INDUSTRY WHO HAS BEEN GOBBLING UP THE LOCAL FILM INDUSTRIES OF OTHER COUNTRIES WHOSE FILM INDUSTRIES USED TO PROSPER (THE PHILIPPINES INCLUDED). BUTI PA ANG INDIA MAY IDENTITY ANG FILMS NILA AT ANG KANILANG INDUSTRIYA. THE PHILIPPINES, NI WALANG IDENTITY. WE JUST COPY KUNG ANO ANG USO. "ASIAN HORROR"? GAGAWA DIN TAYO. IRANIAN-TYPE FILMS? KOKOPYAHIN NATIN. FANTASY NA ALA-LORD OF THE RINGS AT HARRY POTTER? NEXT WEEK LANG PINAGPAPLANUHAN NA. KAYA NAMATAY ANG ACTION FILMS NATIN. WALANG IDENTITY. KOPYA LANG NG KOPYA SA HOLLYWOOD FILMS. E TUMAAS ANG STANDARDS NG HOLLYWOOD ACTION FILMS WITH COMPUTER GRAPHICS AT MGA REAL STUNTS. HINDI MAKASABAY ANG ACTION FILMS NATIN KASI MAHAL AT HALATANG PEKE NA TALAGA ANG SA ATIN. KAHIT SI STALLONE AT SCHWARZENEGGER LUMAOS. KASI TUMALINO ANG AUDIENCE AT ALAM NA NA HINDI SILA ANG GUMAGAWA NG STUNTS NILA. AT MAS COOL NA KAPAG BATA O CHINESE MARTIAL ARTISTS. IBABAGAY MO PA SA MAS HIP NA STORIES AT EFFECTS. NAGISING DIN TAYO AT NALAMANG NILOLOKO NA RIN TAYO NG ACTION FILMS NATIN. NAHIRAPAN KASING SUMABAY.

ANG BOLLYWOOD, PILIT WINAWASAK NG HOLLYWOOD. THEY EVEN DID A BOLLYWOOD-HOLLYWOOD IN "THE GURU". PERO PUMALPAK ATA. I THINK IT BOMBED. HOLLYWOOD WANTS THE BOLLYWOOD MARKET. PERA-PERA PA RIN AT ANG INDUSTRIYA NG PELIKULA SA INDIA, MALAKING PERA 'YUN. INDIA IS NUMBER TWO, I THINK, IN THE GLOBAL FILM INDUSTRY. NEXT ONLY TO THE U.S. I REASD SOMEWHERE THAT HOLLYWOOD IS NOW TRYING TO INFLUENCE THE YOUNG FILMMAKERS OF INDIA BY ENTICING THEM TO TRY UN-BOLLYWOOD THEMES IN FAVOR OF HOLLYWOOD-TYPES. THEY'RE EVEN INTRODUCING ASIAN HORROR AS AN ALTERNATIVE PARA MABUKSAN 'YUNG MARKET AST MADALI NA SILA MAKAPASOK. BUT I THINK INDIA IS NOT BITING. GOOD FOR THEM. IT'S DEFINITELY A DIRTY FINGER TO HOLLYWOOD. FOR GOBBLING UP THE ONCE LIVELY FILM INDUSTRIES OF COUNTRIES LIKE HONGKONG AND THE PHILIPPINES, INDIA IS ASIA'S MIDDLE FINGER TO THE WEST. IT'S STILL THE CASE OF A BIG OAF WHO WANTS TO EAT, GOBBLE, AND CONTROL KAHIT NA BUSOG NA BUSOG NA SIYA. GLUTTONY. WONDER WHY SI COCO LEE ANG BINIBUILD-UP AT HINDI A BETTER SINGER LIKE A FILIPINA? WONDER WHY SUDDENLY THEY FIND INTEREST IN JACKIE CHAN, CHOW YUN FAT, JET LI, AND EVEN SAMO HUNG WHEN BEFORE HOLLYWOOD WON'T EVEN TOUCH THEM WITH A TEN-FOOT POLE? AT BAKIT LAHAT HALOS NG FILMS NGAYON NAKA-SITUATE SA CHINA ANG ILANG SCENES O KAYA AY MAY CHINESE ACTORS O CHINESE-SOMETHING SA STORY? IT'S BECAUSE CHINA HAS OPENED ITS DOORS TO COMMERCIALIZATION AND IT HAS THE BIGGEST POPULATION IN THE WORLD. ANG LAKING MARKET NG CHINA! AND THEY'RE SO VIRGIN WITH THESE AMERICAN PRODUCTS. SO, TO PUT UP A MC DONALD'S BRANCH THERER OR A NIKE STORE, YOU NEED GLOBALLY-KNOWN CHINESE FIGURES. SO, NAKA-PLANO LAHAT. PASISIKATIN SINA JACKIE CHAN, COCO LEE, CHOW YUN FAT, AND YAO MING PARA MAKAPASOK ANG U.S. PRODUCTS, FILMS INCLUDED, SA CHINA. SO NGAYON, ANG CHINA, UNTI-UNTING NAGIGING UTAK-HOLLYWOOD NA RIN. AND IT WILL TAKE ANOTHER 50 OR MORE YEARS PARA BASAGIN 'YUN KASI, RIGHT NOW, LUNOD NA LUNOD SILA SA MGA AMERICAN PRODUCTS. BAWALA MUNA MAGPASIKAT NG PINOY O IBANG TALENTS FROM OTHER COUNTRIES NGAYON. SIGURO MAY MAKAKALUSOT NA ISA O DALAWA PERO MINOR CELEBRITY STATUS. WHY? THE WORLD HAS NO USE FOR US RIGHT NOW IN SELLING THEIR STUFFS. DI TAYO KASING-INIT LIKE DURING THE 70S AND 80S NA TALK OF THE WORLD TAYO BECAUSE OF OUR POLITICAL SITUATION. RIGHT NOW, WE'RE JUST ONE OF THOSE CORRUPT COUNTRIES WHO WILL PATRONIZE AND BUY WHATEVER HOLLYWOOD IS GOING TO FEED US. THEY HAVE ALREADY CONTROLLED OUR MINDS. HOW I WISH BOLLYWOOD WON'T GO THE SAME ROUTE.

Who are your all-time favorite filmmakers?

I ALWAYS SAY THAT I GREW UP WATCHING BLACK AND WHITE LVN AND SAMPAGUITA MOVIES ON CHANNEL 9 AT 1:00 IN THE AFTERNOON WITH DOLPHY, PANCHO MAGALONA, TITA DURAN, ROGELIO AND JAIME DELA ROSA, CARMEN ROSALES, NIDA BLANCA, NESTOR DE VILLA, ETC., AND PILING-PILING PELIKUYLA AT CHANNEL 13 WHICH SHOWED MOVIES STARRING LITO LAPID, JESS LAPID, REX LAPID, REY LAPID, JUN ARISTORENAS, ROBIN ARISTORENAS, WENGWENG, CHIQUITO, TINTOY, REDFORD WHITE, CACHUPOY, TITO, VIC, AND JOEY, ETC. WHOEVER DIRECTED THOSE FILMS HAVE A VERY GREAT EFFECT ON ME AND MY BROTHERS AS KIDS BECAUSE THOSE WERE OUR FIRST INTRO TO FILMS. PLUS "TEKS", A LOCAL CARD GAME WE USED TO PLAY IN THE STREETS WHICH FEATURE LOCAL FILMS (WITH DIALOGUES, ACTION, AND ALL) ON IT.

WHEN I GREW UP AND BEGAN TO UNDERSTOOD VISUALS, I WAS VERY MOVED BY THE FILMS DONE BY THE THREE MOST-DROPPED NAMES IN FILIPINO FILMMAKING: LINO BROCKA, ISHMAEL BERNAL, AND MIKE DE LEON. I ALSO FOUND PEQUE GALLAGA'S VISUALS AND MOOD VERY EFFECTIVE. WHY? BECAUSE IT AROUSED ME IN MANY WAYS. I THINK ANNA MARIE GUTIEREZ WAS MY FANTASY GIRL THEN BECAUSE OF SCORPIO NIGHTS AND UNFAITHFUL WIFE (MY UNCLE BORROWS BETAMAX COPIES), HEHEHEHEHEHEHE... I AM A GREAT FAN OF THE WRITINGS OF RICKY LEE, PETE LACABA, AND DOY DEL MUNDO. I REMEMBER COPYING SCENES OF "BATCH 81" SA MGA KAIBIGAN KO AND INICIATED THEM WITH A STYRO WHILE YELLING "ALPHA KAPPA OMEGA..." PATI MGA FILMS NA MAY MGA RALLIES AND PROTESTS, I WOULD YELL SA STREET THE LINES, "HUWAG MATAKOT, MAKIBAKA!" BUT I STILL CRY EVERYTIME I WATCH "ANG TATAY KONG NANAY" ESPECIALLY THAT PART NA KUMAKANTA SI DOLPHY AT NINO MUHLACH TAPOS MAGKALAYO SILA NG BAHAY. 'YUNG "MATUYLOG NA, AKING BUNSO" WHICH TUNE I SOMEHOW USED SA "ANG ANAK NI BROCKA".

SA CONTEMPORARY DIRECTORS, I AM REALLY A BIG FAN OF ERIK MATTI'S VISUALS AND JON RED'S INDIE-NESS. THEY'RE MY MENTORS, IN SOME WAY, ASIDE FROM BEING FRIENDS DURING MY JOURNEY INSIDE THE FILM INDUSTRY.

SA FOREIGN DIRECTORS, I RESPECT THE WORKS DONE BY GIUSEPPE TORNATORRE (CINEMA PARADISO, STARMAKER, MALENA), ROBERT ALTMANN (SHORT CUTS, THE PLAYER) WHO LOVES MULTI-CHARACTERS, OLIVER STONE'S POLITICS, AND THE POETRY OF ZHANG YIMOU AND WONG KAR WAI (I ALMOST NAMED A SON "SZHANGYIMOU KARWAI" BUT SETTLED WITH "STANLEE KUBRICK" WHEN MY MOTHER BANGED HER TELEPHONE AT ME AFTER HEARING MY CHILD'S WOULD-BE NAME). I ALSO AM A BIG, BIG FAN OF AMERICAN INDIE DIRECTORS LIKE KEVIN SMITH (THE CLERKS, MALL RATS) AND TODD SOLONDZ (HAPPINESS, WELCOME TO THE DOLLHOUSE). THEN THERE'S THE "PETER PAN" IN ME THAT LOVES TO WATCH CARTOONS/ANIMATIONS DONE BY DISNEY, PIXAR, DREAMWORKS, and EVEN CLAY ANIMATIONS LIKE "WALLACE AND GROMIT". I'M A YOUNG BOY TRAPPED IN A BIG MAN'S BODY WHO ALWAYS REFUSES TO GROW UP.

What is your dream project?

SABI KO DATI, IF I GET TO DIRECT "ANG ANAK NI BROCKA" THEN THAT'S IT. PERO AFTER DOING IT, YOU TRY TO LOOK FOR CONCEPTS INSIDE YOUR HEAD WHICH YOU FEEL WILL CHALLENGE YOU MORE. LIKE A FILM NA DALAWA LANG ANG CHARACTERS AT ISANG LOCATION LIKE TORNATORRE'S "UNA PURA FORMALITA" (PURE FORMALITY). OR PELIKULANG IISA LANG ANG CHARACTER. YOU THIRST FOR NEW EXPERIMENTATIONS, NEW WAYS OF TELLING A STORY NA HINDI PA NAGAGAWA KAHIT NG HOLLYWOOD. YUNG MAGTATAAS KAHIT ISANG HAKBANG O DALAWANG HAKBANG SA UTAK NG TAO TUNGKOL SA PANONOOD NG PELIKULA. KAPAG MAHANAP KO YUNG FORMULA OR EXPERIMENTATION NA YUN, ASTIG! MALAYA KANG GINAWA AT MAKAKAPAGPALAYA KA PA NG IBANG KAISIPAN. I ALSO LOVE TO DO A FILM FOR KIDS (ANIMATION MAN O HINDI), NA WILL HAVE ME AND MY KIDS WATCHING IT AND LAUGHING TOGETHER. KAHIT MATATANDA NA KAMI AT MAY MGA ANAK NA DIN SILA. MY KIDS ARE MY BIGGEST FANS AND MY HARSHEST CRITICS. AFTER THE SCREENING OF "ANG ANAK NI BROCKA," MY ELDEST ASKED ME "E SINO YUNG ANAK NI BROCKA?". HAHAHAHAHAHA...

When did you first get into filmmaking?

IT WAS A HUMANITIES PROFESSOR BY THE NAME OF HENRY ALVIR THAT INTRODUCED ME TO THE WORLD OF INDIE FILMMAKING. HE ASKED US TO VIEW SHORT FILMS, ONE OF WHJICH IS "TRIP" BY JON RED WHERE HE WAS ONE OF THE ACTORS. "TRIP" AND ROXLEE'S "TITO'S WEDDING" HAD A VERY GREAT EFFECT ON ME THAT I DECIDED THAT I ALSO WANT TO DO THESE SO-CALLED 15-MINUTE "SHORT FILMS". I WAS A POLITICAL SCIENCE STU7DENT THEN AT UE-RECTO AND WAS TRYING OUT FOR A SLOT AT THE VARSITY BASKETBALL TEAM, UE RED WARRIORS.

MY FIRST FILM-RELATED WORKSHOP WAS FOR RICKY LEE'S 11TH SCRIPTWRITING WORKSHOP BACK IN 1999. AFTER THAT I WENT TO SEVERAL FILM-DIRECTING WORKSHOPS LIKE MARILOU DIAZ ABAYA'S FILIPINO FILMMAKING WORKSHOP IN ATENEO AND THE 10TH CINEMA-AS-ART WORKSHOP AT THE UP FILM INSTITUTE WITH TIKOY AGUILUZ AND RAYMOND RED AS PROFESSORS, AMONG OTHERS.

I FIRST WORKED IN THE FILM INDUSTRY AS A SCRIPT READER FOR VIVA FILMS IN 1999. THEY WERE SENDING ME FOUR TO FIVE SCRIPTS A MONTH TO DECIDE WHAT IS FILMABLE AND WHAT IS NOT. I RECEIVE TWO-THOUSAND PESOS FOR CRITICIZING OR GIVING SUGGESTIONS TO SOME SCRIPTS. THAT RAN FOR SIX MONTHS. ONE OF THE FILMS THAT GOT MY VERY GOOD RATING WAS JON RED'S "BOSO" THEN SUPPOSED TO BE DIRECTED BY YAM LARANAS. IRONICALLY, SIX YEARS LATER, I WAS PART OF THE CAST OF THE SAID FILM.

VIVA OFFERED ME MY FIRST SCRIPTWRITING JOB AFTER SIX MONTHS AND GAVE ME "ALAS-DOSE" WHERE I FIRST MET ERIK MATTI WHO WASS THEN ITS DIRECTOR. AFTER THAT, I DID A COUPLE OF OTHER FILMS LIKE "KILABOT AT KEMBOT," "BERTUD NG PUTIK," "PROSTI" AND ACTED FOR "DOS EKIS," JON RED'S "ASTIGMATISM," AMONG OTHERS. I ALSO WROTE FOR TV LIKE ERIK MATTI'S "KAGAT NG DILIM" (WHICH WAS TOO AHEAD OF ITS TIME) AND THE SOAP "DARATING ANG UMAGA". I ALSO ACTED FOR SOME TV SHOWS LIKE "HIRAYAMANAWARI" AND "DETEK-KIDS". IT WAS IN THESE SETS THAT I MET VERY YOUNG AND PASSIONATE FILM WORKERS LIKE ME WHO HAVE INFLUENCED ME A LOT, ERIK AND JON AND THEIR STAFFS INCLUDED.What was your very first camera?
IT WAS A PANASONIC MINI-DIVI DIGITAL CAMERA THAT I STILL USED RECENTLY IN SHOOTING THE BROCKAS' MUSIC VIDEO. MY PARENTS SENT IT TO ME FROM THE STATES AFTER I KEPT BUGGING THEM THAT I WAS THE ONLY ONE IN MY FILMMAKING CLASS WHO HASN'T HAVE HIS OWN CAMERA. I REMEMBER SHOOTING IT AT MY KIDS FIRST THEN THE NEXT DAY BEGAN SHOOTING ANTS THAT WERE TRAVERSING ON OUR "SAMPAYAN". I DID A HOMAGE TO MYSELF IN "LASPONGGOLS" BY PUTTING ANTS TRAVELLING ON A "SAMPAYAN" IN ONE SCENE. TO REMIND ME OF HOW I WAS BACK THEN.

Did you ever consider pursuing your filmmaking career elsewhere?

I WAS SUPPOSED TO LEAVE FOR NEW YORK BACK IN 2000 FOR A WRITING JOB THAT WILL EVENTUALLY HAVE ME PURSUING A FILM COURSE THERE IF ONLY I SAID YES. BUT I TURNED DOWN THE OFFER. IT WAS VERY BIG ISSUE IN MY FAMILY THAT RESULTED IN MY WIFE AND KIDS LEAVING ME FOR ALMOST A YEAR. FOR THEM IT WAS A BIG OPPORTUNITY AND A BETTER LIFE THAT I TURNED DOWN. BUT I STILL SAID UP TO THIS DAY THAT I MADE THE BETTER DECISION. NAKAPASOK NA YUNG ISANG PAA KO SA LOOB NG INDUSTRIYA, AALISIN KO PA? KINAKAGAT MAN AKO NG MGA LAMOK AT HANIP AT KUNG ANU-ANO PA, IT WAS STILL A GOOD ONE FOOT IN. PAG UMALIS AKO, PAGBALIK KO, MAHIHIRAPAN NA AKONG MAKAPASOK ULIT. BACK TO SQUARE ONE. ANDAMING GUSTONG MAKAPASOK SA FILMMAKING, NAG-AARAL NG APAT NA TAON, NAGMAMASTERAL PA, O KAYA NAKIKIPAGPATAYAN KAHIT MAGING P.A. LANG. AKO, NANDUN NA, BAKIT PA AKO AALIS. AND IF I GO AND STUDY FILM IN N.Y. OR ANYWHERE ELSE, PAGBALIK KO, HINDI KO NA MAIINTINDIHAN ANG PINOY FILMMAKING KASI ANDAMI NANG THEORIES SA UTAK KO. THE BEST PINOY FILMMAKING CLASS PA RIN IS NOT THE ONE BEING OFFERED INSIDE THE BIG UNIVERSITIES. IT WILL STILL BE YOUR ACTUAL INVOLVEMENT IN MAKING ONE. YUNG MGA KUNG ANU-ANO NANG KINUHANG WORKSHOPS, TATANDA NA HINDI PA RIN NAKAKAGAWA O NAKAKAINTINDI NG PINOY FILMMAKING. IF YOU'LL NOTICE, THOSE WHO LAST FOR YEARS INSIDE THE INDUSTRY ARE TOSE WHOSE EDUCATIONAL ATTAINMENTS ARE ONLY HIGH SCHOOL OR EVEN ELEMENTARY GRADUATES. BUT THEY HAVE4 THE PASSION FOR THE WORK AT MUKHANG MAS MARAMI PANG ALAM KESA DUN SA MGA NAG-ARAL NG ILANG TAON. SCHOOLS WILL ONLY GIVE YOU THEORIES. ANG TUNAY NA LABAN AT GERA NG PINOY FILMMAKING AY NASA AKTWAL NA PAGSAMA MO SA PAGGAWA NG ISANG PELIKULA. NOTHING COMPARES TO THAT. SABI NGA N COLOR IT RED, "IT'S ADDICTIVE, IT'S SEDATIVE, AND IT WILL MAKE YOU LOSE YOUR MIND..."

How did you survive as an independent filmmaker?

GUTOM TALAGA. KAHIT HANGGANG NGAYON, GUTOM. I HAVE A LOT OF STORIES KUNG PAANO AKO NAGBEBEG, BORROW, AND STEAL PARA LANG MABUHAY. LAHAT NG KAMAG-ANAK NILAPITAN KO NA ATA PARA MAHIRAMAN NG PERA KAPAG WALA KAMING PAMBILI NG GATAS AT BIGAS. THERE WAS ONE INCIDENT THAT'S REALLY VERY TOUCHING TO ME UP TO THIS DAY NA INILAGAY KO SA SCRIPT NG "ANG MGA KIDNAPPER NI RONNIE LAZARO" (MY OTHER CINEMALAYA TOP 30 FINALIST THAT DIDN'T MAKE IT TO TOP 10) KUNG SAAN DAHIL SA KAANTUKAN KO AY NABAGSAK KO ANG LATA NG GATAS NA TITIMPLAHIN KO SANA AT KUMALAT SA KUSINA NAMIN. THE MILK WAS THE LAST SCOOPS OF MILK THAT WE HAD AT HINDI KO MADAMPOT KASI MADUMI NA. BUT THE BABY WAS CRYING HARD AT DIS ORAS NG GABI AT WALA RIN KAMING KAPERA-PERA NA MAG-ASAWA, NI ISANG KUSING. NANLAMBOT NA LANG AKO AT UMIYAK SA TABI NG NATAPON NA GATAS HABANG PILIT NA KINUKUTSARA ITO. THAT WAS PAINFUL. AND THE NEXT DAY, WALA KAMING MAUTANGAN. THE BABY HAS TO DRINK "AM" INSTEAD FOR TWO DAYS! MY LOLA USED TO SAY "P-MAN" OR "POOR MAN". NOW I UNDERSTOOD IT. NGAYON, IMPORTANTE SA AMIN ANG BIGAS AT GATAS. BASTA MERON NITO, BUHAY KAMI. KAHIT ISANG LATANG "YOUNGSTOWN SARDINES" NA MAANGHANG NA TIGSASAMPUNG PISO AY BUHAY KAMI BASTA MAY LAMAN ANG TIYAN. O KAYA UTANG SA KAPITBAHAY NG TOCINO AT CHEESEDOG PARA SA MGA BATA. WHAT I ONLY HAVE NA TREASURES AY ANG MGA KONSEPTO SA UTAK KO AT ANG ABILITYY KO NA MAGSULAT. IT FEEDS US. KAHIT MALILIIT NA CONTRIBUTIONS. SUWERTE NA LANG KUNG DI AKO MATIIS NG MGA MAGULANG KO AT MGA KAPATID AT MAGPAPADALA SILA, THEN OK NA ULIT. BUT SINCE 1999, GUTOM TALAGA. BUHAY ARTIST, LALO AT I MARRIED EARLY AT 21. KAYA MADALAS, ALSA-BALUTAN SI MISIS AT PUPUNTA SA KANILA WITH THE KIDS. KAYA NGA ANG CIVIL STATUS KO, KAPAG INILALAGAY KO, "MARRIED, SOMETIMES".

In conceptualizing a film, do find that you write better in tandem with someone else, bouncing ideas off each other, or do you prefer to write solo?

I ALWAYS LOVE COLLABORATIONS. MAS MASARAP LAGI SA AKIN ANG PROSESO NG MAY KABATUHAN. BUT SOME COLLABORATIONS WORK. SOME DON'T. KASI, NAKALIMUTAN KO NA SOME COLLABORATORS MAY NOT SHARE THE SAME PASSION AS I HAVE. NA MAAARING SILA PALA, ANG INIISIP NA NILA AY KUNG PAANO SILA KIKITA SA GINAGAWA NBIYO AT HINDI ANG JOURNEY NG PAGGAGAWA NIYO NG PELIKULA. AKO KASI, MAGUTOM MAN, BASTA MAKABUO AT MAKITA KO NANG TUMATAKBO ANG PELIKULA TA NABUBUHAY ANG MGA CHARACTERS AT SCENES KO. SOME COLLABORATORS I'VE WORKED BEFORE SEE IT THAT WAY LIKE GOOD FRIENDS LIKE SHUGO PRAICO (headwriter sa ABS-CBN), RICHARD SOMES (Erik Matti's Production Designer), and JOSEF DE GUZMAN. BUT I HAD SOME COLLABORATORS NA WALA NGANG MAIBIGAY NA IDEAS, PERA PA ANG NASA ISIP KAAGAD. MABILIS LANG KAPAG BAYARAN NA. KAPAG MAG-IISIP NA NG IDEAS, MAY KUNG ANU-ANONG PALUSOT O KAYA AY TANGO NA LANG NG TANGO. HINDI KA MAG-GROW. YOU WANT TO LEARN, TOO. YOU WANT TO BE CHALLENGED. O MINSAN NAKIKIPAGPATAASAN NG IHI. AKALA NIYA, INDIVIDUAL CONTEST ANG SINALIHAN NIYA AT HINDI GROUP WORK. YABANG AGAD ANG NAUUNA. O KAYA PA-IMPRESS SA PRODUCER O DIREKTOR. FILMMAKING IS A COLLECTIVE PROCESS. HINDI YUNG AKALA MO DIYOS KA. KASI, IN THE END, IT DOESN'T MATTER KUNG SINO WRITER, O DIRECTOR, O PRODUCTION DESIGNER, O CINEMATOGRAPHER, O CLAPPER. BASTA LAHAT KAYO, NAGING BAHAGI, LAHAT KAYO FILMMAKERS.

What was the most challenging part of making this film (Lasponggols) for you?

ONE THING IS THE FINANCIAL ASPECT. WE HAVE TO SHOOT AT MY FAMILY'S PLACE IN VICTORIA, TARLAC AND WE FAILED TO INQUIRE THAT LIGHTS AND OTHER EQUIPMENTS THAT WE WOULD BE BORROWING WILL BE TIMES TWO WHEN WE TAKE THEM OUTSIDE MANILA. WHEN WE CANVASSED, WE WERE ONLY CANVASSING THEIR REGULAR PRICES SO WE THOUGHT WE WERE STILL RIGHT ON TRACK. IT WAS WHEN WE WERE ALREADY THERE THAT WE FOUND OUT THESE THINGS. WE EVEN BROUGHT LIGHTS WHICH WE CANNOT USE OR EVEN RETURN BACK IMMEDIATELY TO MANILA BECAUSE THE POWER SUPPLY IN THE PROVINCE WASN'T ENOUGH FOR 6K LIGHTS. WE HAVE TO SHOOT FOUR STRAIGHT DAYS WITH LITTLE SLEEP. SA SECOND DAY, BAGSAK NA ANG MGA TAO. AKO NGA NAGKA-CUT NA NAKAPIKIT HABANG NAKATAYO. IT'S A GOOD THING MOST OF THE ACTORS AND STAFF WERE FRIENDS. JEFFREY QUIZON WAS A FORMER CLASSMATE. DWIGHT GASTON WAS A FORMER BOSS AT AN AD AGENCY AND AN IDOL AND FOR ME WAS THE MOST UNDERRATED ACTOR OF HIS TIME. THE REST WERE FRIENDS I ACCUMULATED ALONG THE WAY WHILE JOURNEYING INSIDE THE INDUSTRY. THE SET WAS FUN. WE WERE LAUGHING AND PLAYING JOKES EVERY NOW AND THEN ESPECIALLY WITH THE SUPPORT OF MY FAMILY MEMBERS IN VICTORIA, TARLAC WHO COOKED THE FOOD FOR US AND SHELTERED US. WE WERE JUST EXHAUSTED AND WE HAVE TO MAKE DO WITH THE BUDGET WE HAVE AND HAVE TO RUSH SOME TAKES ESPECIALLY WHEN THE SUN IS STARTING TO GO DOWN. YOU'LL NOTICE THAT IN SOME OF THE LAST SCENES OF "LASPONGGOLS". HINDI NA HALOS PAREHO ANG KULAY. EVEN SCENES INVOLVING THE OTHER ACTORS LIKE THE APO HIKING SOCIETY WHO ONLY GAVE US TWO DAYS OF THEIR TIME. DINAYA NA NAMIN ANG TIE-UP NG BAWAT ISA. SOMETHING I LEARNED FROM DIRECTOR-EDITOR AUGUSTO "AUGIE" SALVADOR WHEN I WAS WORKING FOR HIS SET. ANG MABIGAT LANG TALAGA AY 'YUNG PERA PART. ANDAMING NAUTANGAN NA HANGGANG NGAYON AY BINABAYARAN PA RIN.

If you had one classic Tagalog film, and one foreign film to remake or re-edit in your own version, what would it be and how would you execute that film?

THE WENGWENG FILMS? HEHEHEHEHEHEHE... ACTUALLY, WALA E. KASI THEY HAVE THEIR OWN IDENTITIES. WHEN THEY WERE MADE, PARANG SWAK NA SWAK SILA SA PANAHON NA GINAWA SILA. I FEEL THAT THOSE FILMS WILL HAVE A VERY HARD TIME IN CAPTURING AN AUDIENCE TODAY KAPAG NI-REMAKE. YOU CAN ALWAYS HAVE SOMETHING NA "INSPIRED BY". BUT NOT A REMAKE. ANG LAKING PRESSURE NU'N. KAHIT TITO, VIC, AND JOEY FILMS O DOLPHY FILMS, MAY SARILING MAGIC ANG ORIGINAL VERSIONS NITO.

What do you think makes Jeffrey Quizon such a good actor for indie cinema, apart from his genes or being the son of a veteran actor? I mean, what hashe got that other young actors should pick up on?

I'VE KNOWN JEFFREY OR EPI EVERSINCE HE WAS STILL THAT SHY, QUIET STUDENT OF OUR RICKY LEE CLASS. LAGI NGA NAMIN SIYANG SINASABIHAN NA PWEDE SIYANG LUMABAS NA YOUNG DOLPHY KASI SIYA ANG MAY PINAKAMALAKING RESEMBLANCE SA DADDY NIYA SA MAGKAKAPATID. KAYA NGA SA GRADUATION GIFT NAMIN KAY RICKY LEE, KUNG PUPUNTA KA SA BAHAY NIYA, YOU'LL SEE EPI AS THE "BALLERINA" NA GINAWA NAMIN SA PHOTOSHOP. THIS WAS EVEN BEFORE "MARKOVA". BECAUSE I SAW HIM THAT WAY. A YOUNG FACIFICA FALAYFAY. OR A YOUNG CORING NA CHARACTER NI DOLPHY SA "ANG TATAY KONG NANAY". EPI WAS VERY SHY BEFORE. BUT HE HAS A LOT OF STORIES IN HIS HEAD AT VERY SENSITIVE SIYA KASI NAKAKA-RELATE SIYA HINDI LANG SA NARARAMDAMAN NG MGA NASA SOCIAL BRACKET NIYA WHICH MAY BE "A" OR "B", KUNDI PATI NA RIN YUNG "C", "D", AT "E". KAYA NIYANG BUMABA SA LEVEL MO AT MAKIBAGAY SA 'YO. AND THAT MAKES HIM OR HAS MADE HIM INTO A BETTER ACTOR. JOLOGS NA JOLOGS PA RIN SIYA TAPOS KAPAG KASAMA NAMAN NIYA MGA BARKADA NIYA AY PANG SOCIETY PAGE PA RIN SIYA. I THINK THAT'S ONE THING NA MAGNDANG IBINIGAY SA KANYA NG TATAY NIYA, YUNG HINDI MAKALIMOT SA MALILIIT NA TAO. AND TAHT ALONE IS SOMETHING NA TROPHY SA DADDY NIYA AT MGA KAPATID. IT'S SOMETHING THEY CAN BE VERY, VERY PROUD OF KAY EPI. KASI HINDI LANG ARTIST SI EPI, SENSITIVE ARTIST DIN SIYA. AND VERY HUMBLE. DI SIYA NAKAKALIMOT SA PINANGGALINGAN NIYA. HE'S THE GODFATHER OF MY SON AND I PROMISED HIM BEFORE THAT IF I DO MY FIRST FILM, HE'LL BE ON IT. TUMUPAD AKO SA PANGAKO THROUGH "LASPONGGOLS" AND WHAT HE GAVE MY FILM, MY CAST, AND MY CREW IS SOMETHING REALLY WORTH NOT FORGETTING. HE SHOWED US NA HINDI LANG SIYA ANAK NI DOLPHY KUNDI ANAK DIN SIYA NG BAWAT ISANG SIMPLENG TAO. HE GOT PAID THE SAME AMOUNT AS THE LOWEST MEMBER OF MY CREW, THE UTILITY BOY. AND HE DIDN'T MIND.NAKAKALUNGKOT LANG NGA NA SA AGE BRACKET NIYA, IILAN LANG ANG WILLING MAG-SACRIFICE AT MAGPAHIRAM NG TALENTS NILA PARA SA MGA MALILIIT NA PELIKULA GAYA NG GINAGAWA NAMIN. AFTER EPI, THERE'S YUL SERVO, TADO, AND LATELY PING MEDINA, TAPOS WALA NA. SA MATATANDA, ANDAMING WILLING LIKE JOEL TORRE, RONNIE LAZARO, PEN MEDINA, JOHN ARCILLA, ALBERT MARTINEZ, ARCHIE ADAMOS, ETC. SI EPI, NAIINTINDIHAN NIYA ANG STRUGGLE. AND HE'S WILLING TO TAKE THE RISKS. SALUDO KAMI DU'N SA KANYA. AND HE'LL FOREVER HAVE OUR RESPECTS.

What do you do when you wrap up shooting? Do you have enough energy left over to take everyone out for a drink or just go home to collapse before thetedious editing process begins? What do you do/where do you go to relax?

I ALWAYS GO BACK TO MY FAMILY, ESPECIALLY MY KIDS. THEY KEEP MY FEET PLANTED ON THE GROUND. LAGI KO NGANG SINASABI PAGKATAPOS NG SHOOT NA "PLEASE, TAKE ME HOME, TAKE ME HOME." GUSTONG-GUSTO KO NANG MALIGO AT MATULOG SA KAMA KO AT MAGISING KINABUKASAN NA TUMATALON ANG MGA ANAK KO SA KAMA AT TUWANG-TUWA SILA NA UMUWI NA AKO AFTER ILANG DAYS. THEN WE'LL WATCH CARTOONS TOGETHER. AND I'LL FEEL LIKE A KID AGAIN. IF EVER I BECOME BALLISTIC IN ANSWERING SOME ISSUES ABOUT FILM, I'M DOING IT FOR THEM AND THE OTHER KIDS WHO WILL OR WHO MIGHT GO INTO FILMMAKING. NA MAAYOS NA KAPAG SILA NAMAN. KASI, BUTAS TALAGA NG KARAYOM PINAGDADAANAN NAMIN WHO REALLY HAVE A VERY BIG PASSION FOR CINEMA. NAGKATAON LANG NGAYON NA PINAPANSIN KAMI. BUT IMAGINE RAYMNOND RED, JON RED, ROX LEE, DANNY RED, LARRY MANDA, KIDLAT TAHIMIK, ETC., DURING THEIR TIME. 20-25 YEARS NA SILANG LUMALABAN AT HINDI BUMIBIGAY. I WANT MY KIDS TO SHARE THE SAME PASSION KAYA RIGHT NOW I INTRODUCE THEM TO THE ARTS. NAGKE-CLAY ANIMATION KAMI NA STOP MOTION SA LUMA KONG CAMERA, WE HAVE PAINTING SESSIONS NA WATER COLOR, NAG-AARAL SILA NG PIANO AT VIOLIN PARA MAKAKUHA NG MOOD AT RHYTHM, AND NANOOD KAMI NG FILMS. MY TWO FIRST KIDS' FIRST FILMS NA PINANOOD ARE "INSIANG" AND "TINIMBANG KA NGUNIT KULANG" WHICH WE TOOK THEM TO SA CCP. AT HINDI SILA NATULOG. THEY WERE WATCHING ATTENTIVELY. KAHIT NGAYON. PATI ART FILMS PINAGTITIYAGAAN NILA, ESPECIALLY MY ELDEST. SANA LANG HINDI LANG SIYA MAKUNTENTO SA PANONOOD KUNDI LUMIKHA RIN SIYA. KASI BAKA MAGING CRITIC. AYOKO NAMANG MAGING TAGA-CRITICIZE NA LANG SIYA NG TRABAHO NG IBA. BUT I REALLY LOVE COMING HOME TO MY FAMILY AND COOKING FOR THEM LIKE THEIR FAVORITE ADOBO OR IF IT'S WEEKEND, SOMETHING NA MAY SABAW LIKE SINIGANG OR NILAGA. PAG MAY PERA, LALABAS AT MANONOOD NG SINE. O PUPUNTA SA PARK. I LOVE THEM WHEN THEY ASK QUESTIONS KASI ALAM MONG NAGSASALIKSIK SILA.

What project are you planning to work on next?

VIVA IS SCHEDULING A MEETING FOR "BACKRIDER," A FILM I WROTE ON THE PATOK JEEPNEY DRIVERS THAT PLY THE RIZAL ROUTE KUNG SAAN MAY MGA ESTUDYANTENG NAGIGING SYOTA NG MGA JEEPNEY DRIVERS NA ITO. THEN THERE'S EVEN TALK THAT UNITEL MIGHT BE INTERESTED WITH "ANG MGA KIDNAPPER NI RONNIE LAZARO". BUT ONCE NA MAY GRANT O INDIE PRODUCER NA MAGSUSUGAL SA RONNIE LAZARO PROJECT, I MIGHT GO THAT ROUTE AND MAKE IT AS INDIE AS POSSIBLE. THEN, WE ARE THINKING OF DOING "TABLOID," A SEQUEL TO YAM LARANAS' AND JON RED'S "RADYO". I ALSO PLAN TO JUST WRITE STUFFS FOR FUTURE FILM GRANTS LIKE MY "THE MARCOS PAINTINGS" AND "ANG PINAKAMAGANDANG KUWENTONG HINDI MAISASAPELIKULA".
THEN, I WANT TO GO BACK TO DOING SHORT FILMS. MAS MASARAP KASI. PARA RIN MATURUAN AKO NG MAGKUWENTO MULI NG HINDI MASYADONG MAHAHABA. HEHEHEHEHEHE... YUN KASI ANG COMMENTS NILA SA WORKS KO. MAHAHABA. THEN SIGURO MUSIC VIDEOS ON THE SIDE AT MAY TALKS NG MGA COMMERCIALS. PANG-HANAPBUHAY. PAMBIGAS AT GATAS. MY INDIE FILMS ARE MY "PANG-BUHAY". PAMBUSOG SA SOUL.

If you were on a trip what book/s would you take with you to read?

I'M NOT REALLY A BIG BOOK LOVER FAN. KASI NAGKAROON AKO NG HATE-RELATIONSHIP SA LIBRO NUNG KINICK-OUT AKO SA LIBRARY NAMIN NUNG SECOND YEAR HIGHSCHOOL AKO. BANNED FOR LIFE. MAKULIT KASI AKO DATI. HANGGANG NGAYON. SO, AFTER THAT, DI NA AKO PUMASOK NG MGA LIBRARIES. KAHIT NUNG COLLEGE. I JUST BUY BOOKS NA KAILANGAN. KAYA SIGURO AKO NAGING VISUAL PERSON KASI GUSTO KO YUNG MGA KUWENTO, INSTEAD NA BINABASA KO AY PINAPANOOD KO. SO MAS NAGING VISUALS ANG STORYTELLING SA AKIN. AT PATI MUSIC. MAS NAGING LISTENER AKO NG VERY GOOD STORIES NA TINUTUGTOG NG MGA ALTERNATIVE BANDS AND ARTISTS. I FELT THAT THEY HAVE BETTER STORIES THAN THGE ONES NA PINAPANOOD NATIN. ERASERHEADS, GARY GRANADA, YANO, DATU'S TRIBE, SUGARFREE, THE JERKS, JESS SANTIAGO, BUKLOD, JOEY AYALA, ETC., LAHAT SILA NAGKUKUWENTO NG MGA ISTORYANG NAKAKAPAGTAKA AT WALANG GUMAGAWA NG ISTORYA O PELIKULA. KUNG MAY GUMAWA NAMAN NG PELIKULA AY MALI ANG PAGKAKAINTINDI. PROBABLY I'LL JUST BRING SOME VERY GOOD CDS. BUT I LOVE PETE LACABA'S POETRY AND LOVE TO BRING HIS WRITINGS ONCE IN A WHILE. KAHIT YUNG TRIP TO QUIAPO NI RICKY LEE DI KO NAGSASAWANG BASAHIN. KAHIT KAPAG UMEETCHAS. IT STILL TICKLES ME.

In one word, how would you describe the state our country is in right now?

LIKE THE FILM INDUSTRY, "DYING" BECAUSE OF A CANCER CAUSED BY SO MUCH POLITICS AND INCURRABLE CORRUPTION.

Do you see it as possible material for another film?

OH, YES. VERY MUCH. I REALLY LOVE TO DO A FILM NA PULITIKAL ANG BACKGROUND. NA SA PULTIKA AT KABULUKAN NATIN LUMILIBOT. GIVEN THE CHANCE, I WILL DO ONE. KULANG SA TAPANG MGA PELIKULA NATIN NGAYON, KULANG SA GIGIL. I WILL NOT DO A PROPAGANDA FILM. I WILL ONLY DO WHAT IS TRUE AND HONEST. YUN KASI ANG KULANG NG MGA PELIKULA NATIN NGAYON, "HONESTY". LAHAT SILA NAGTATAGO SA EFFECTS AT MAGAGARBONG ILAWAN AT KUNG ANU-ANO PANG EKLAT. KAYA WALANG IDENTITY.

Do you carry a good luck charm in your pocket when you are shooting, or do you put on a favorite work shirt or a "thinking cap"?

NOPE. I JUST CARRY AN EXTRA BOXERS AND A SHIRT AT PAMUNAS NG PAWIS. MADALAS NAKASANDO LANG AKO KAPAG NAGSU-SHHOT, NAKA-TSINELAS/SANDALYAS, AT NAKA-JEANS NA SISISPSIP SA LAHAT NG MABAHO KONG PAWIS SA BUONG MAGHAPON. MY ONLY ADVISE VERY SHOOT AY PAGHANDAAN AKO NG TWO BOTTLES NG 1.5 NA COKE. SUGAR INTAKE AND SUGAR RUSH. YUN LANG ANG TANGI KONG LUHO SA BUHAY KASI DIABETIC AKO. KAPAG WALA AKONG SUGAR INTAKE, NANLULUMO AKO SA SHOOT AT PARA AKONG SABOG. KUNG MAY SUGAR RUSH, WALANG KATAPUSAN ANG ENERGY KO AT MADALDAL AKO AT MARAMI AKONG IDEAS NA NAIISIP. PWEDE NA ATA AKONG MAG-MODEL SA COKE 1.5, HEHEHEHEHEHEHE... ALAM NA NG STAFF KO 'TO AND I ASK THEM TO UNDERSTAND NA ALTHOUGH PANTAY-PANTAY LAHAT NG TAO SA CAST AT CREW KO, DITO LANG AKO MAKAKALAMANG SA KANILA KASI TALAGANG KAILANGAN KO. YOU'LL SEE ME MOST OF THE TIMES CARRYING A 1.5 COKE SA KAMAY AT TUMUTUNGGA. BUT IT'S NOT GOOD LUCK CHARM. PINAPATAY KO NGA SARILI KO. IT'S JUST TO HELP ME GET THROUGH THE SHOOT. PLUS THE VOICE OF MY KIDS SA CELPHONE WHEN I CALL THEM DURING BREAKS.

1 Comments:

Anonymous josef de guzman said...

"SOME COLLABORATORS I'VE WORKED BEFORE SEE IT THAT WAY LIKE GOOD FRIENDS LIKE SHUGO PRAICO (headwriter sa ABS-CBN), RICHARD SOMES (Erik Matti's Production Designer), and JOSEF DE GUZMAN"

jusko. Mabuti an lang at bored ako now kundi ay di ko nabasa ang name ko sa haba ng blog na ito. wahehehe

March 28, 2008 at 9:12 AM  

Post a Comment

<< Home