Thursday, February 10, 2005

WHAT AILS THE FILM INDUSTRY?

ms. au,

here's my answer to the question that you sent soliman cruz. what ails the film industry? is it dead? dying?

THE FILM INDUSTRY IS NOT DEAD. as long as there is a Filipino out there who has a story in his mind that he wants to make into a film, the industry will not be dead. What's dying are old traditions, old formulas, old styles, old ways of telling a story, everything old that belong to the 80s and 90s. these once tested ways of milking the moviegoers their hard-earned cash are not working anymore. this generation of moviegoers are not anymore patronizing films that are based on star quality. reason why action films are not making money like the way they used to. the public wants fresh concepts or innovative ways of telling a story. new directors who have the balls to experiment but at the same time never losing focus on storytelling. nag-iiba lang ng anyo ang pelikula natin. nagpapalit ng mga bagong mukha. tinatae nito, sinusuka, at iniihi ang masasamang ugali at nakasanayang tradisyon na ng pelikulang Pinoy. kapag malinis na muli ang lahat, babanat na naman siya ng isang napakalakas na suntok at tadyak at balibag na magiging kapaki-pakinabang sa ating lahat. "Namatay" din ang pelikula ng mga British noong 1979. bagsak din ang ekonomiya nila at mataas ang tax. ang nakakatawa pa ay "babae" rin na maraming "economic reforms" (kuno) ang namumuno sa kanila noon. wala silang ginagawang pelikula hanggang 1981 ata. hanggang may isang TV station, channel 4 ata 'yun sa kanila, na tumulong para magpasulpot ng mga bago at mga batang direktor na may mga rebolusyonaryo at mapagpalayang mga ideya. mas gutom ang mga batang mga filmmaker na ito kasi sila ang mga nanonood ng pelikula at nagbabayad sa mga sinehan para humanap ng magagandang pelikula. kaya sila ang gumawa at lumikha ng mas makabagong mga pelikula na swak sa kanilang panlasa. ganun din sa atin ngayon. hindi na ang matatanda ang nagdidikta ng papanoorin natin dahil ang mga pumapasok sa mga sinehan ay mga estudyante at mga nagtatrabaho na nasa edad 40-pababa. kaya hindi na pumapatok mga action films or old school comedies. kasi outdated na halos lahat ng gimik ng mga ito. sina stallone nga at schwarzenegger hindi na klik kahit na anong re-invention na gawin nila. kasi may mga touches pa rin ng mga una nilang gawa ang mga twist ng istorya nila. gaya nina van damme at steven seagall. kahit na anong taas ng mga sipa nila o kahit na anong sirko nila, alaws na. kasi luma pa rin ang istorya. luma pa rin ang pormula. kaya lang nagki-klik sa atin ang mga love stories gaya ng "Dream Boy" at "Let The Love Begin" kasi usapin pa rin 'yan ng escapism na gusto nating makapanood na medyo kikiligin tayo at paglabas natin ng sinehan ay nakangiti tayo at masaya at feeling natin ay makakakasalubong din tayo sa daan ng kamukha ni Piolo o ni Richard o ni Angel o ni Bea. Na sasagutin na rin tayo ng mayamang crush natin kapag niligawan natin. O nung supervisor mo sa call center na sosyalera. Plus po ang factor ng pambubugbog ng TV at ads sa utak natin kaya, sige na nga, panoorin nga natin. another plus kasi panahon ng mga puso. at lahat sa panahon na ito ay in-lab (pantakas natin kahit sanadali sa realidad na mataas ang mga bilihin at bagsak talaga ang ekonomiya). Try selling these movies sa buwan ng september o october o ano pang patay na buwan at pihado hindi ito kikita ng sinlaki na kinita nito sa ngayong buwan na ito. timing din. at tamang marketing.

oo malaking epekto din ang malaking tax na binabayaran. kung iisipin natin, kung talaga nating susuriin, ay malaki ang sabwatan ng mga higanteng production companies ng Hollywood sa ating pamahalaan. kasi, sila, can afford nilang magbayad ng tax at iba pang kailangang bayaran sa bansa natin kasi global ang market nila. kaya okey lang sa pamahalaan na taasan ang buwis. kasi ang mga pelikula natin, kailangang kumonti para mas makapasok ang mga higanteng pelikula na ito. para kainin nito ang mga magagandang playdates na dati-rati'y naka-reserba sa mga pelikulang Pinoy. e tayo pa naman, utak kolonyal. kaya mas okey sa atin na manood ng foreign films. kahit ang iba'y simbantot din ng mga ginagawa nating pelikula. at ang pamahalaan natin, kahit sinuman ang nakaupo diyan, tapalan mo lang ng pera ay gagawa ng measures para mas mag-suffer ang local companies. kasi mas tiba-tiba sila sa foreign films. dollar ang bayad. at willing magbayad. hindi katulad ng mga Pinoy companies na panay tawad at mahilig mambarat. sa taas ng mga babayarin, pangit talaga ang mga lalabas na pelikula kasi babaratin ng producers ang mga produksyon nila. quickie movies for a quick buck. "fuck good stories" ang attitude nila. kaya nawalan na tayong lahat ng gana na manood ng pelikulang Pilipino. bad for our culture. good sa bulsa ng iba.

pero sa isang banda ay mahusay na mamatay ang industriya. para ma-sala. para talagang mapili ang pangit sa maganda. kasi, sabi nga, dito magsisimula ang isang napakaganda at napakahusay na rebolusyon ng mga bagong ideya. 'yung mga bata na gutom at uhaw sa mga gusto nilang klase ng mga pelikula, magsusulputan ang mga 'yan at gagawa. at sila ang sasampal sa dating sistema at sasabihing "eto ang talagang gusto namin". at sila na ang magdidikta ng takbo ng industriya. hindi na ang mga abusado at utak-perang mga producer. kahit sa kani-kanilang mga bahay lang magsisimula ang pagpapanood ng pelikula. tapos parang cult na kakalat sa iba pa at hahanapin na nila ang isang napapabalitang magandang pelikula. parang pagba-banda. magsisimula ka sa garahe mo at pagkatapos ay gagawa ng pipitsuging demo tape at ikakalat sa mga kakilala hanggang hinahanap ka na din ng iba. at maging ang mga producers, hinahanap ka na din nila at naiintriga. ganun sana. with the advent of digital filmmaking, hindi imposibleng hindi ito magagawa. huwag lang ngang makaisip na naman ng pakulo ang pamahalaan to hinder the rise of digital filmmaking or these "garage productions". kasi kapag hindi na sila ang kumikita at sila na rin ang tinatamaan ng mga pelikulang ito, chances are gagawa sila ng kontrobersya to suppress you. ginawa nila noon sa eraserheads, di ba, with the backmasking-thing. kasi malaki na ang nagiging impluwensya ng musika sa pagiging progresibo ng utak ng mga kabataan. kaya nga rin siguro pinatay nila ang eksena ng banda. kung iisipin mo, may salita lang na "NOT AS" sa lyrics ng kanta mo, e kapag binack-masking na ay "SATAN" ang basa dito. may gospel song ako dating napakinggan na may tatlong beses nag-"NOT AS". ibig ba sabihin Satanista na rin ito? hay, naku.

isa pang kailangan ng industriya para mabuhay siyang muli o ma-revive ay mas maraming "passionate" na producers at production managers na kayang tapatan ang pagka-passionate ng mga bata at agresibong filmmakers. kasi eto madalas ang kulang. andaming passionate filmmakers pero walang passionate producers o production managers o kahit anuman na naghahawak ng money matters ng isang production. lahat ng naka-upo sa mahahalagang pwesto na ito, madalas raketeer o kaya ay primero uno sa kanilang listahan ang kumita at hindi ang vision ng kanilang pelikula. kapag pumasok na kasi ang usapin ng pera, wala na. talo na. nawala na ang "art". nagiging "commodity" na. e ano pa'ng ipinagkaiba nito sa commercial films kung pera-pera na? wa. isa pa, people need to take on even small jobs sa produksyon. lahat kasi ng bata ngayon, iisa ang nasa isip. lahat gustong maging "direktor". lahat gusto "filmmaker siya. mas marami nga tayong filmmakers kesa sa films. mas marami ring nagsasabing filmmaker siya na wala pang films. walang gustong mag-art dept. walang gustong mag-clapper. walang gustong mag-utility boy. o gaffer. o P.A. gusto lahat, guwapo kaagad. filmmaker agad. nasasala mo daw ang isang taong may future sa pelikula kung kahit maliliit na trabaho ay ino-offer niya ang sarili niya na makatulong. 'yung hindi umeepal. 'yung willing siyang magpakababa ng sarili niya kahit na crew o taga-timpla ng kape. kasi nakikita mo na may puso siya at naiintindihan ang proseso. karamihan sa hindi makayang ibaba ang sarili nila, hindi nakakagawa ng pelikula nila. ang iba nagtuturo na lang kasi mas nagiging superior sila over these little kids na gustong magtrabaho sa pelikula. ang problema, there is a tendency that he or she may stunt the growth of these young people kasi madalas hindi sila practitioner o kung nag-practice man, mas mataas ang personal agenda niya kesa sa mga bagay na dapat sana ay natutunan niya sa set. most of the critics rin are like these. kaya nga sila kritiko. kasi majority sa kanila ay mga grumpy. old folks i've met na nasa 40s, 50s, 60s na naninira ng matitinong pelikula. kasi, kaya sila grumpy ay dahil sila 'yung could have been, should have been, would have been, sa kanilang akala. e hindi nila nagawa. kaya grumpy sila. they vent their frustrations and anger sa mga taong mas malayo ang nalakbay sa kanila, lalo na mga mas bata. today's youth have that opportunity to be happy people when they reach the age of 40s, 50s, and 60s by doing things they want to do right now like making a film or being part of the process of making a film and learning from it. kailangang mas mangibabaw na lagi silang estudyante. you never stop being a student and be involved in different art forms. Peter Pan syndrome. lahat ng bagay, tinuturuan tayo niyan. hindi tayo dapat magmarunong. para hindi tayo grumpy pag tanda natin. pangk rak attitude.

sana makatulong ito sa mas mabuti nating pagsusuri sa mundo ng pelikulang Pinoy. anim na taon na rin ako sa industriyang ito. umabot pa ako sa panahong masigla ang mga pelikula. nakita ko rin ang pagbagsak nila. nalulungkot ka, lalo na sa mga maliliit na tao na nawalan ng trabaho o nalungkot dahil bihira na lang ang gumagawa. nakakatuwa ang mga mukha ng mga ito everytime na marerentahan sila at maririnig na gagawa ulit sila ng pelikula. you just can't explain the joy in their faces. lalo at mahusay ang produksyon na sasalihan nila.

sana sumigla nga muli ang takbo ng pelikulang Pilipino. sana masala na ang dapat masala para mahusay na ang maging takbo niya kapag nakabangon ulit siya. pero kung kailangang patayin talaga para magkaroon ng bago at mas progresibo, sasang-ayon ako. basta kapag nabuhay muli siya ay mas makakapagpataas siya ng kaisipan ng mas nakararami at mas makakapagpalaya siya.

mabubuhay ang pelikulang Pilipino.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home