Wednesday, February 09, 2005

MY BEST FILMS OF 2004

eversince writing back in the 90s for Pinoy rock Bible "ROCK & RHYTHM" (the songhits-magazine that was helping unknown, unsigned bands then such as Eraserheads, The Youth, Color It Red, Wuds, Bad Omen, Philippine Violators, The Jerks, Tame The Tikbalang, Biofeedback, Poppy Fields, Sonic City Zoo, Sugar Hiccup, Feet Like Fins, Parokya Ni Edgar, etc.), I always made it a point to review only Pinoy artists. kasi mas kailangan nila ng push. the international ones already have the international PRESS people and the machinery of their respective companies to do the marketing for them. i am doing the same thing right now for Pinoy films. kasi ang eksena ngayon ng indie filmmaking o ng Pinoy filmmaking as a whole ay halos walang ipinagkaiba sa "alternative music" scene mga ten years ago or during the band explosion of the early 90s. ganitong-ganito din noon. kung noon ay ang pang-pick up line mo sa chick ay "hi, i'm in a band that plays in Club Dredd," ngayon ang usong pick-up line ng karamihan ay "hi, i'm an indie-slash-MTV filmmaker". ang nakakatakot lang nga sa eksena ngayon ng mga indie filmmaker ay matulad sa eksena ng mga banda noon. namatay ang alternative music scene dahil naging dalawa-singko na ang mga banda noon. kahit sino, pwedeng magbanda. nasobrahan sa dami. kahit wala nang sense 'yung iba pero may mga malalakas na kapit at machinery at pera to circulate sa PRESS ang banda nila ay kakagatin sila. "chika power" din noon. ngayon, ang dami na namang nakikilala natin na ang gustong itawag sa kanila ay "filmmaker" kasi gaya ng gitara noon, madali nang makabili ng digital videocams ngayon. hindi sa pinipigilan natin ang iba na gumawa ng pelikula nila, paalala lang ito na para huwag tayong matulad sa eksena ng mga nagbabanda noon, kailangan nating salain ang mga pelikula na nagsasabing "indie" o kung anuman sila. alamin natin kung may puso talaga at may mapupulot tayo sa mga pelikulang ito o baka tulad ng ibang commercial films ay basura rin pala. o dahil mas may pera lang kaya nakakagawa. o mas may koneksyon. parang musika din 'yan. hindi porke't mahilig ka sa ska o reggae o punk o heavy metal o pop o new wave ay lahat na ng music na nasa label ng gusto mo ay maganda. may pangit din na punk. may tingaps din na new wave. may palpak din na ska. may mabantot din na reggae. may walang kwenta rin na heavy metal. at mabibigla ka kasi may magaganda naman palang death metal. ganun din sa "indie" films. may magaganda pero hindi lahat maganda. may mga okey lang kahit walang kita ang pelikula nila at meron din namang mukhang pera lang at kulang ang pelikula sa 'torya. kahit shortfilms. hindi lahat maganda. kahit MTV. hindi lahat ng gagawa, astig na. kahit pinaka-astig pa na banda ang gagawan niya. have you seen that christian bautista MTV sa MYX na shinoot sa marikina? o 'yung mala-Mariah Carey ni Nina? I just don't get it. sorry. parang hindi bagay ang video sa message ng kanta. dapat substance over form, sabi nga ng school paper ko dati. pero mas maganda kung parehong meron. may substance na at may bagay pa na form.

so, bago ako maligaw na naman sa mga isinusulat ko, here are the "only" five Pinoy films that were worthy to watch last year at masarap muling panoorin.

1) ASTIGmatism by jon red (silver awardee at HK filmfest last March 2004) from somebody who has been defying all the rules in telling the story. kapag gumawa si jon, kahit cast at crew niya napag-iisip kung tama ba ang ginagawa niyang istilo. along with erik matti, silang dalawa ang magiging haligi ng mga bagong direktor at mga filmmaker na papasok sa industriya. may bayag at gumagawa ng pelikula na nakataas ang isang daliri na naka-ngarat. eto ang mukha ng bagong pelikulang Pinoy. astig din ang sense of humor. naglabas na ata ng video nito sa video stores. watch out this year for his "Coup Beta," "Boso," "Anak Ng Tinapa," and "Balong Malalim".

2) MINSAN PA by jeffrey jeturian. plus one sa istorya. kakaiba. hindi nakaw sa iba. take a bow, bing lao (o di ba, rhyme). plus two sa cinematography. nakakapagtaka at hindi man lang ni-nominate kahit ng YCC ang sinematograpiya ni Larry Manda ganung napakaganda ng look na ibinigay niya dito dahil simple at bagay na bagay sa istorya. larry is one of our few cinematographers around na nakaka-intindi ng pagkukuwento ng istorya gamit ang sinematograpiya. hindi siya mayabang o nakakatawag ng pansin katulad ng iba. swak lamang sa hinihingi ng pelikula at ng istorya. kunsabagay, hindi rin siya pinansin ng kahit na anong award-giving body noon sa isa niya pang mahusay na trabaho sa "sa huling paghihintay". di ko alam kung paano talaga tumingin ang mga kritiko ng sinematograpiya. kunsabagay, iilan lang naman talaga sa kanila ang nakakaintindi at kayang mag-apply ng "tama" nito sa trabaho nila. kahit production design nga andaming pinalagpas ("pedro penduko II" despite the massive set at "gagamboy" despite na ang squatter's area sa pelikula ay ginawa lamang sa isang gym-like place sa san juan at hindi exisiting. "dos ekis" din ata hindi na-nominate si rodel cruz at inisnab sa MMFF ang set niya sa "mano po 2" despite converting the same set na ginamit ng gagamboy into china. bumawi naman sila sa 2004 MMFF by giving him the plum.)

3) EBOLUSYON NG ISANG PAMILYANG PILIPINO by lav diaz. for the fuck you attitude sa mga nakasanayan nating mga pelikula. from a former-Jingle Magazine writer, it shows us his pangk rak orientation of defying all existing rules in filmmaking. sino'ng filmmaker ang gagawa ng pelikula na ten years to make at makikita mo talaga ang pag-age ng mga characters niya? eto 'yung balak ni Kubrick dapat sa "A.I." niya kung buhay pa siya at hindi si Speilberg ang gumawa. pangk not deaths! it's alayb! alayb! alayb! por eber mor! c'mon, sing with me now!

4) PA-SIYAM by erik matti. most of the old school critics hate erik matti. kasi nga "old skool". hindi kasi siya "chika power". at kapag nagsalita kasi siya, deretso na sasampalin ka at tatadyakan sa harap at patalikod. but he has been pioneering a lot of developments in cinema. lagi lang ngang "too ahead of its time" ang mga iniisip niyang proyekto. ask the writers of "nginig" and "wag kukurap" and they will tell you that his "kagat ng dilim" in 2001-2002 inspired their concepts. his shelved project "exodus" for viva was like today's "spirits," only better because it was situated in a post-apocalyptic philippines at hindi sa mala-beverly hills 90210 na lugar. critics diss all his movies pero most young filmmakers works always look back to his experimentations in the 90s as their source of inspiration. he is always being criticized for his "storytelling". hindi raw marunong magkuwento. even pa-siyam was criticized for that. pero 'yun nga. kasi old skoolers 'yung mga naghahanap ng "the usual kuwento". he has been offering us other ways of telling the story but people are always looking for the "traditional" formats. pero kapag ibang bansa ang gumawa at pinuri ng international PRESS ang isitilo, critics tend to second the motion. erik's "mano po 2" is still the best "mano po" of the 3 in "cinema" sense. which is telling the story using the visual language. his "pa-siyam" is a fuck-you to all asian horror-wannabes that other directors were churning out last year. astig din ang sinematograpiya ni ja tadena at ipinakita nito ang "tunay" na kakayahan ng HD camera na hindi naipakita ng isa pang naunang pelikula na gumamit nito.

5) RILES by ditsi carolino, tied with another documentary IMELDA by ramona diaz. two women documentarists who have opened our doors to documentary filmmaking as one of the best tools in bringing across strong messages. social realism. sampal at kurot sa mga taong gusto nilang patamaan. balanse. hindi preachy. hindi siya seryoso kumpara sa mga nakaugaliang isubo sa atin na mga documentary na ang sakit sa ulo dahil masyadong seryoso ang approach at masyadong pang-pulpito. tumatawa tayo. nakiki-jamming sa tugtog at indayog na gusto nilang sabayan natin. para siyang isang magandang "trip". at pagkatapos ng "trip," uuwi ka na nakangiti at hindi mabigat ang ulo. pero naipahatid sa iyo ang mensahe na gusto nitong ipahatid. at hanggang ngayon, nasa utak mo pa rin ang mga images at mensahe ng mga dokumentaryong ito. naglalaro pa rin sila sa kukote mo. ini-inspire ka na gumawa rin. na mag-documentary ka rin. ganun kalakas ang influence niya. parang droga. parang gusto mo na ring gawan ng docu si gloria at ang kanyang mala-osbournes na pamilya. o ang kapitbahay mo na hindi man nakatira sa riles at nasa village man o subdivision ay mas praning pa ang buhay ng pamilya dahil panay ang reklamo kahit sobra-sobra na ang meron sila. sana may mga sumunod pa na mga ganitong dokumentaryo na mahusay ang pagkakagawa at hindi masakit sa ulo sa kakangawa.

for 2005, i am waiting for works from directors peque gallaga, jon red, jeffjett, lav, topel lee, larry manda's debut, raymond red's "camera obscura", new works from erik matti, khavn dela cruz in a less experimental work, another full-length perhaps for rox lee, works from commercial directors like mark querubin and henry freias, the finalists of the two indiefests, and the short film works of brave new filmmakers who may be more "astig" and where we can perhaps see the future of indie filmmaking. at ang mga trabaho niyo. oo, kayo. kaya kunin mo na ang kamera mo, tipunin ang barkada mo, gumawa ng isang maganda at kakaibang kuwento, at mag-shoot ka na ng pelikula mo. pangk rak lang mga tol!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home