Thursday, October 28, 2004

THE FINAL 10 CINEMALAYA FINALISTS

Here are the Final 10 of the Cinemalaya Filmmaking Contest. Congrats sa lahat at sana matapos ang mga pelikula at makapagmulat ng kaisipan ng iba at makapagpalaya sa mga nakakahon at nakakulong na mahihilig sa pelikula! Punk-rock sa lahat!

In no particular order:

1) "Baryoke" by Ron Bryant
2) "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" by Mitchiko Yamamoto
3) "Isnatchers" by Michael Angelo Dagnalan and Jun Aves (ta-artits ako dito! - sig)
4) "Angela -- The Bading Assasin, A Musical" by Francis Hechanova (eto gusto ko mapanood. ala-Hedwig.)
5) "Big Time" by Mario Cornejo
6) "ICU Bed #7" by Rica Arevalo
7) "Room Boy" by Alfred Aloysius Adlawan
8) "Pepot Artista" by Clodualdo "Doy" del Mundo, Jr.
9) "Sarong Bangi (One Night)" by Emman dela Cruz
10 "Lasponggols" by Sigfreid Barros-Sanchez

eto na nga kaya ang bagong wave ng mga filmmakers sa Pilipinas?

malalaman natin sa February 2005.

for now, let's all keep our fingers crossed. at sana hindi paglabanin ang Cinemalaya finalists at Cinema One Originals finalists who may have the advantage in equipments and actors kasi ABS-CBN ang mother company ng Cinema One. Sana hindi sila maglamunan. Kasi sayang lang lahat ng efforts ng lahat.

sana...

para sa ikakasigla muli ng industriya ng pelikula mula sa mga bata at bagong filmmakers!

paggalang sa mga nauna at nagbukas ng daan para sa amin: brocka, bernal, mike de leon, peque gallaga, celso ad castillo, erik matti, jon at raymond red, larry manda, rox lee, jeffrey jeturian, yam laranas, atbp.

Saturday, October 16, 2004

IDENTITY CRISIS reunion at MAYRICS! FILM WORKERS Union at Amoranto!

sa mga chong/new wavers ng dekada 80,

sabay-sabay tayong mag-IMAGINING OKTOBER at SUMIGAW UMAWIT mamayang gabi, October 16, Saturday, 9pm, sa reunion performance after 15 years ng new wave/gothic group na IDENTITY CRISIS sa Mayric's (our SANCTUARY), Espana Avenue tapat ng UST. Ang Identity Crisis ang kauna-unahang rock group sa Pilipinas na out na sila ay mga lesbians at gays simula pa noong 80s na di pa uso ang mag-out at ang sinasabing closest threat noon sa trono ng THE DAWN as rock gods bago sila mag-disband at ang iba'y sumama sa LOKAL BROWN (incidentally two members formed Mariya's Mistress in the 90s, si Leni Llapitan at si Cool Carla). let us all see if they will still sing our ANTHEM. di ko lang nga ma-recall kung paano na nga ba 'yung Gold Eagle Beer commercial jingle nila? baka sakaling kantahin nila kapag kinalampag natin mga bote natin mamayang gabi at maburaot sila at mag-give in na rin dahil sa ating kakulitan. hehehehehe.

sa mga manggagawa naman sa loob ng industriya ng pelikulang pilipino, may itinatayong unyon sina carlitos siguion-reyna at joel lamangan para sa lahat ng mga nagtatrabaho sa industriya --- directors, scriptwriters, production designers, art directors, cinematographers, editors, ganun na din ng mga utility boy, clapper, gaffer, grips, at iba pa, maging mga takilyera at lagarista. bukas daw, october 17, 8am pababa, ang registration sa amoranto stadium. sama-sama tayong sumuporta at sana ipagtirik natin ng kandila na sana ay di mabahiran ng pulitika at hindi maging para sa sariling interes lang o interes ng iilan lang ang unyon na binubuo. astig sana kung para sa lahat. kitakita tayo doon. mas maraming batang taga-industriya, mas maganda dahil mas maiintindihan nila na tayo ang majority na ng viewers ng pelikula at may mga makabago at progresibong mga istilo at konsepto. ayuz! punk rock sa lahat!