Friday, November 26, 2004

PASIYAM SAYS "FUCK YOU" TO ASIAN HORROR GENRE

after watching kagabi ng premiere, masasabi ko siguro na etong pelikula ni erik na ito ang isa sa mga pelikulang may "bayag" sa taong ito. hindi dahil kaibigan ko siya at kasamahan. he knows na titirahin ko pelikula niya anytime na may makita akong flaw. ganun din siya sa mga trabaho ko.

"pasiyam" is definitely good-old-skool-punk-rock-horror in the tradition of amityville, rosemary's baby, and exorcist. walang special effects. just great camera movement, very good shot compositions, nakaka-inggit na lighting from ja tadena despite HD ang format (something na pwedeng pag-aralan for future HD users (sayang kasi use sa "santa santita". ay, sori for being frank again), good blocking, traditional erik matti shots ng hallways and staircases, ang pagbabalik nina dwight gaston at erik matti sa horror genre matapos ang "kagat ng dilim" nila three years ago, very good acting from all the actors except that starstruck actress who played cherry pie's daughter (too much sugar at laging naka-shorts-nyorts na parang nakikipagkumpetensya kina maricar at aubrey).

erik, being an acting professor back in his early days in bacolod, managed to control the acting of his actorts like aubrey, maricar, and roderick para tamang-tama lang sa timpla ng movie. imagine this being directed by the other directors, pihado pipigain lahat lalo na dun sa batang-isip na character ni aubrey. sa ibang direktor, pihado kahit wala nang gatas na ilalabas ay pasusukahin pa rin ang akting ng mga artista. in this film, tamang-tama lang ang akting na ibinigay ng lahat. parang hindi umaarte. napaka-natural. even maricar, whose acting i really don't like, was very good and was controlled by the acting guru in matti. yul was again a revelation with his "kanto boy from the province" mannerisms. pati "doobie" scene niya very convincing. cherry pie had another splendid performance. lui manansala again proved why she is the counterpart of ronnie lazaro in the indie film industry (when in doubt sa indie film mo, ronnie lazaro o joel torre, sa actress, lui manansala). crispin pineda was at his usual small but standout character. and it's a very good vehicle for the comeback of roderick paulate and ana capri. roderick proved again that more than anything else, he's an "actor" at the very sense of the word.

Pa-Siyam says "fuck you" to all the Asian Horror copycats around today. It's Matti's "kiss my ass" to all the Pinoy horror movies that are coming out nowadays that has all the cliches of the Asian horror movies (batang nakatayo sa isang tabi, babaeng nakabagsak ang buhok, etc.). It also proves how deep Matti's love for film is by going back to the roots of the horror genre. Andaming beses sa pelikula na binasag niya ang mga cliches at mga bagay na nakasanayan na natin. Halimbawa sa scene na kinakausap ni Roderick ang nanay nila na wala naman doon sa kwarto, we expect na bigla itong lilitaw pero hindi. Matti plays with our moods dahil mas nakakatakot ang mga bagay na hindi natin nakikita o kaya ay ine-expect pa lang na makikita pero wala pala. More psychological. Andaming ganitong eksena sa "Pa-Siyam" na akala mo ay kakanan si Erik at Dwight sa istorya nila pero bigla pala silang kakaliwa o dederetso. Punk rock talaga. Fuck you attitude (as a child I always remember Dwight as that punk rocker sa Scorpio Nights 1 rather than "Kuya Dwight" sa Batibot. that's why i got him sa "Lasponggols" ko along with Epi. am really a big fan of his acting.)

Maybe with the coming of new directors like Matti, Jon Red ("Boso", Viva Films), Larry Manda (DOP, "Minsan Pa"), Yam Laranas ("Sigaw"), Jeffrey Jeturian ("Minsan Pa" which has a very good and very original story), Lav Diaz (Ebolusyon), the return of Raymond Red ("Camera Obscura" with brother Danny Red), and Topel Lee (Seiko, next year), a new wave of films will be seen on the screen by next year. Andami ding bago at batang cinematographers headed by JA Tadena, Odyssey Flores, Bahaghari, Regiben Romana, Ogi Sugatan, at iba pa. Marami ring mga bagong manunulat na magdidirek ng kanilang mga pelikulang digital sa Cinemalaya (shorts and full-length). Ngayon pa lang, nagpaparamdam na ang mga bagong dugo na mahusay at masigla ang pelikulang mula sa may mga indie na pag-iisip.

Siguro nga mas may mga "bayag" na ang pelikula sa 2005 (no sexist pun intended). Lahat din pangk-rock attitude. Sana rin, hindi lang ang mga visuals ang may "bayag", kundi ang mga istorya din at kung paano ikukuwento ang mga ito. Sawang-sawa na tayo sa mga madadaldal na pelikula at madadaldal na direktor (lalaki man, babae, bakla, o tomboy) na ang mga ginagawang pelikula ay hindi naman natin maidaldal o maipagmalaki sa international market o kahit sa mga kaibigan natin abroad. Sana rin, gaya ng lagi kong pinapangarap, magkaroon sana at makabuo ng isang community ang lahat ng mga filmakers na ito. The alternative rock scene back in the 90s failed to survive kasi nagkanya-kanya ang mga banda at nagbuo ng kani-kanilang grupo. Skinheads lang para sa kapwa skinheads, rastafarrians para sa mga kapwa rastafarrians, metalista para sa kapwa metalista, dreamposter para sa kapwa dreampopster, shoegazer para sa kapwa shoegazer, atbp. Tuloy namatay. Matuto sana ang indie film industry sa nangyaring ito noon. At sana, hindi magsulputang parang dalawa-singko ang mga filmmakers gaya ng mga banda noon sa Club Dredd na marunong lang kumalbit ng tatlo hanggang limang chords sa gitara ay banda nang masasabi. I always refer to these group of filmmakers as the rockstars of the 90s. Dati, cool ka pag nasa banda ka. Ngayon cool ka kung tatawagin mo iintroduce mo sarili mo na filmmaker. Wag sana maulit ang nangyari noon.

Siguro nga sa mga pelikulang gagawin nina Erik, Jon, Yam, Jeffrey, Larry, Raymond, Lav, at Topel sa susunod na taon, makabuo na nga ng bagong wave ang Pilipinas. Kung ikukumpara sa banda, si Jon Red at si Larry Manda ang Chickoy Pura at Nitoy Adriano ng The Jerks. Si Erik siguro ang parang Binky Lampano o Ely Buendia. Sino kaya ang parang sina Bobby Balingit, Alfred Guevarra, at Aji Adriano ng WUDS na gaya ng The Jerks ay 25 years na rin sa industriya ng musika? Si Yam kaya ay parang Gary Granada? O si Robert Javier ng The Youth. O parang 'yung bokalista ngayon ng mga Ilog Tarat.

Sana, sana, hindi na natin kailangang kumopya pa ng usong genre sa ibang bansa kundi tayo na mismo ang magpapauso ng ating sariling genre o istilo ng pelikula na gagayahin sa atin ng mga karatig bansa natin at maging ng buong mundo. Sana may tatawagin na ulit na "Pinoy-style" of filmmaking at hindi Pinoy na nanggagaya ng style ng filmmaking. Sana.

Watch out, world cinema! Parating na muli ang mga Pilipinong filmmaker at mga pelikulang Pilipino! Itaga niyo 'yan sa bato!


1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Nice Blog

Best Wishes

I have a site 80 million Down Loadable Movies If you have the time stop by.

October 16, 2005 at 9:11 AM  

Post a Comment

<< Home