Tuesday, November 02, 2004

cinemalaya issue

mga kapatid,

sensya na kung ngayon lang ako nagbukas ng email. mahirap kasi na tatlo ang chikiting ko and i have to prepare two of them to go to school and ensure each gets a good breakfast and lunch di katulad ng tatay nila na puro script at rolyo ng film ang almusal, tanghalian, at hapunan.

kanina, nag-text si direk jon red kasi binalita ko sa kanya dilemma natin. ayon sa kanya na nagagamit nga tayo para daw "bumango" pangalan nila by "helping" young filmmakers. pero he also advised na kagatin na rin natin at lumaban tayo thru the films that we are going to make and show them na hindi tayo ang iniisip nila.

i remember a few months ago nung nagpunta ako sa bahay ng mga red sa cubao at nandoon ang apat na magkakapatid na involved sa pelikula (jon, danny, raymond, and roy) at niloloko nila si raymond na pumasok na sa "bilog" like what the three are doing. ang gera daw ngayon ay wala na sa labas ng bilog at nasa loob na (napag-isip-isip ko tuloy ang ginagawa ng mga leftists organizations by joining the party-list system, but dats another topic). anyway, raymond is shooting an indie film again in december. pero ayaw niyang makulong sa bilog. but both parties acknowledge na kailangang may tao sa labas ng bilog at may tao rin sa labas. which means, those who choose to go inside are prepared to make compromises and sacrifices. and we are making some now and experiencing it.

oo nga na indie filmmaking ito according sa mga nabasa natin sa diyaryo. pero, the first time na narinig ko ang list ng judges, nag-isip-isip ako noon nung mag-submit ako. i only submitted three concepts nung una --- "hanggang sa mawalan" (about a video cam na nagpasa-pasa sa iba't ibang kamay at tao hanggang sa mawalan ng battery na charged up to two hours), "ang mga kidnapper ni ronnie lazaro" (kung saan each of the kidnapper gets to hold the camera at POV ng kung sino ang may hawak), at "kasal, binyag, libing" (about a videographer and the weddings, birthdays, baptisms na kino-cover niya na aakalain natin ay boses niya ang voice-over until he kills himdelf with the camera cord at malalaman nating voice-over pala lahat ito ng camera mismo). kung mapapansin niyo, lahat experimental at ginagamit ko ang videocam as a device in telling the story and not sa narrative na nakasanayan natin sa 35mm. something i learned from jon and company. pero, nung malaman ko ang mga judges, nag-panic ako at nag-submit ng anim pa na entries na super commercial talaga (except for "lasponggols" and "ang anak ni brocka"). kasi, sa listahan pa lang ng judges, alam mo na kaagad na isinakripisyo na ng contest ang word na "INDIE" (most abused word sa industry) kaagad. if it's raymond red or jon red or others na indie filmmakers talaga, ul get rili "indie" finalists. baka nga di pa ako o ikaw napasama. nung humarap tayo sa kanila sa ccp nung 30 finalists pa tayo, alam na natin dapat na hindi "indie" filmmaking 'tong pinapasok natin. tony gloria of unitel? caloy de leon of lvn? peque? laurice? kamon, kamon. that is not indie. may isang direktor nga na nagpapaka-indie, hindi ko ma-consider sa listahan ko na indie. erik matti never considers himself indie at nanghihinayang kapag nagkukuwentuhan kami na hindi siya dumaan sa process na 'yon.

what am i getting at? alam na nating may butas 'yung gagawing kontrata sa atin. even ang palanca awards me butas. kahit ibang scriptwriting contests o filmmaking. hell, urian nga na pinaka-credible na sa lahat ng award giving bodies e may mga lapses at napapansin mong may mga slight favoritism o nag be-bend ng rules. rodel cruz (pinakamatinong production designer na gumagawa talaga ng plano ng arkitekto sa set niya at PD ng platoon, binypass for mano po 2 gayong he made us believe na china talaga ang setting nung scene ni zsazsa at boyet de leon). walang perpektong contest. lahat may sabit. lahat may ilalabag. lahat may palakasan. lahat may raket. pinoy tayo e. pero, what we did yesterday was right. because we wanted to change that process. because we wanted to check, for once naman, kung ano nga ba ang mga butas sa contest na 'to. and it really caught them in an uncompromising and silly situation. kasi they were prepared to see us all signing and smiling at the cameras para ilabas na sa diyaryo na "on-going" and "rolling" na ang project nila na pinaghirapan. pogi points in some way. and there is the cinema one originals to think about na kinokompetisyon ang cinemalaya. if cinema one gets rolling first, kahiya-hiya ang kalalabasan ng cinemalaya kasi nagkaroon ito ng malaking internal problem. sa cinema one, walang problema kasi naka-mindset na sa atin na pakulo ito ng Dos (sori sa mga taga-Dos) para talaga kalabanin ang cinemalaya and to show na mas credible sila, mas powerful, at mas may machine to handle a contest like this. ikaila man nila, eto talaga 'yon. business yan. pera-pera ang usapan diyan. di na creative o kung paano makakatulong. dog eat dog. hanggang parehong mamatay at mahirapan na ulit magkaroon ng opportunity ang mga bata at bagong filmmakers na magawa ang mga pelikula nila. we'll be stuck with the lamangans, the portes, the guillens, the dos directors na walang direksyon mag-direk (di ba ned of jologs?).

sabi noon sa amin ni erik matti, nung nag-iinuman kami sa kabab sa may timog, kapag inofferan ka na magdirek, gaano man kaliit ang budget at gaano man ka-stupid ang concept, kagatin mo na kung first film mo ito. kasi, hindi na daw darating ang opportunity ulit na oofferan ka nila. maliit lang kasi ang industriya at maikakalat nila agad ang ginawa mong pagtanggi. what you have to do is get the film and then during the process of filming it ay dun ka lumaban sa loob. gawin mo ang vision mo lalo na nasa kalagitnaan ka na ng paggawa. kasi, hindi ka na nila matatanggal. lalo pa at nakuha mo na ang trust ng mga maliliit na tao sa set at ang respeto ng mga actors mo na magaling ka talaga. you have the creative control kahit paano. sina lyle sacris, robert quebral, at quark had their chances. ampapangit man ng mga ibinigay sa kanilang materials for first film, they could have made it more personal than criticize na pangit ang acting o pangit ang script o kulang sa budget. the bottomline is you have the obligation to tell your story and you should do it kahit na gaano kapangit ng script, ikaw pa rin ang nagtitimon niyan. acting is still your department. hindi ka lang shots o style. you have to be the one with the baton na kukumpas sa lahat (cinematography, design, editing, acting, music, etc.) para sabay sabay ang beat. kung pumalpak pelikula mo, ikaw ang primerong may kasalanan. hindi ka pa siguro hinog para mag-handle ng malaking set at obligasyon. may kasalanan man producer kasi tinitipid ka o ginagago sa budget, you must learn to adjust if you know the film language and you have the passion to really do it. kasi, ang first film mo ang magiging barometer ng lahat. at dapat, wag nating kalilimutan na may obligasyon tayo sa audience. na hindi natin kailangang magpa-profound sa kuwento natin kasi hindi sasabay ang audience kung ten steps higher kaagad ang itatas mo at ipapakita sa kanila. if we want them to view new films na may new concepts and new feel, we take them one to two steps higher muna para kagatin nila. wag kaagad three steps o five steps o ten. unti-unti. tayo rin naman hindi kaagad naka-appreciate ng mga godard, passolini, fellini at chikininis. lalo na ang C-D-E. but we give them a taste ng konti. one to two steps higher. always remember the golden rule: the Matrix. the beginning, the middle, and the end. si erik nga before, kung mapapansin niyo early films niya, puro hanep na visuals bawat eksena tapos nagla-lag behind ang istorya. walang Matrix. pero he learned his lesson kaya when we did "Prosti" (after viewing Todd Solondz's "Happiness") ay nagkaroon na siya ng direksyon. "Mano Po2" is still the best Mano Po. "Gagamboy" just got raves sa Tokyo. His new film "Pasiyam" is said to be veering away from the clichjes of Asian horror with a Rosemary's Baby-touch.

Lumalayo na ba ako? Daldal na naman ata ako.

What I'm getting at is that Cinemalaya is our "One Shot" (sabi nga ni Eminem). We have this one shot na ibinigay sa atin. Akala natin served on a silver platter pero palara lang pala ang ibang parts. It's very good that we raised a lot of issues that had them checking things sa contract. Naging aware sila. Malas nila at mga seasoned at sanay na sa ganito ang mga nakaharap nila kahapon sa meeting. They should have taken numbers 11-20 or 21-30 na sa tingin ko they'll have lesser problems. But right now, they have us. Issue sa 120 days, very good. dapat nga habaan. issue sa deadline, na-move na sa January 30 (sori sa kapalpakan ko). issue sa disbursem,ent ng pera, i just got a text form robbie tan saying "pls relay 2 all ur other co grantees dat i know d predficaments of filmmakers dats y i asked and am stil fighting now dat d downpayment b 200thou". at least may kakampi tayo na nasa side nila (eto si robi talaga kahit kuripot magbayad e pinakamatinong kausap). 'yung sa video rights, 'yun pihado pinag-uusapan nila lalo na sa part ng dream kasi nagkautal-utal si panotski kahapon.

kapag dalawa o tatlo lang sa mga bagay na ito ang na-approve nila at mailalagay sa bagong contract, my stand is "I'LL SIGN". at least nag-sign ako na lumalaban at nakapanalo ng ilang gera kahit paano. ang iba kasi e tama nga at nasa rules na before when we entered. compared to Cinema One, i'll choose the lesser evil. labanan natin sila sa gagawin nating pelikula. kasi, paano kung the other way around. Mag-bow sila sa demands natin, lahat ng demands and after na matapos natin mga pelikula natin, ang magiging hitsura ng pelikula natin e gawa ng mga hao-siao. na hindi pa rin pala tayo hinog like the ones who came before us. C'mon. we know what a good film is, visually and script wise. sa tingin niyo ba kung pumalpka tayo e maglalabas pa sila ng pera para sa next generation na mga kaibigan din natin na gustong mag-direk? sa tingin ba natin ay sa dala-dala nating reel e kukunin tayo ng iba at pagkakatiwalaang investan kung mukhang bugok at tingaps ang works natin? think. walang next wave. wala na talaga ang pinoy filmmaking. gone to the dogs.

kanina, what i did was list down all the positive things na mangyayari if i sign at di ma-approve ang mga terms natin. then sa isang side, i listed the things na negative kapag nag-sign ako. then i got a text from direk jon red saying he's shooting his film "boso" finally for viva films pagkatapos ng mahabang labanan at konting compromises on both side. naramdaman ko, i am here sa industriyang ito ng limang taon kasi isa lang ang gusto ko: I WANNA TELL STORIES. 'yun lang. ginago na ako ng mga producers, hinamon ng barilan, ilang veses na natalbugan ng tseke, nabayaran ng hindi tama, nakulong ng two days for fighting for what is right, nagutom na pamilya ko, nagtiis ang mga anak ko na walang gatas at bigas for two days, muntikang mamatayan ng anak kasi walang perang pampa-ospital when he was suffering from japanese encephalitis. Pero bakit andito pa rin ako sa industriyang ito? kasi gusto ko laging makitang gumigiling ang kamera at nabubuhay ang mga sinulat ko. gusto ko silang kahit paano ay mapanood ng pamilya ko at mga kaibigang alam lahat ang pinagdaanan ko. kung pera ang usapin, antagal ko nang walang pera. six months na akong walang trabaho just for cinemalaya. i was eating toyo na and sibuyas. suwerte kung may itlog. o kaya ay 'yung sampung pisong young's town sardines na maanghang. oo nga at gaguhan ang contest na ito dahil sa mga provisions nila na naka-maskara pero nasilip natin. pero kung ayaw talaga nilang yumuklo or willing yumuko ng kahit kaunti lang, i would still go for it. hindi dahil mukha akong pera o atat na atat na ako pero dahil gusto ko nang magkwento. ang sarap sarap lagi ng feeling ko kapag nagkukuwento ako. kaya nga mahaba na 'tong nasusulat ko kasi eto talaga ang karakter ko. madaldal ako at palakwento. at nalulungkot ako kapag hindi natutuloy ang ikinukuwento ko. ni minsan, sa limang pelikulang nagawa ko, ni hindi ako yumaman. puro DVDs, VCDs, at VHS lang ata naging investment ko. hindi ko rin inaasahang yumaman dito sa contest na 'to. pero gusto ko naman, na sa susunod na may ilalagay ako sa shelf ko, ay DVD na o VCD o VHS ng pelikulang ako ang nag-direk. at papanoorin namin ng mga anak ko na sabay-sabay, hoping they'll get inspired to at abutin ang panahong sila rin will be given this same opportunity like cinemalaya to make their own films. sana meron pa.

for now, my stand is, whatever comes out sa friday, yumuko man sila o hindi o hindi masyado, i'll go for it. bibiyahe ako sa quiapo ko. at pag natapos na ang biyahe ko, babalik ako sa pamilya ko. kahit na hindi nila ipalabas sa CCP o mabenta sa video o mabenta ang rights o mabiyayaan ng kahit ano pa, it's good to know that I can always show it to my kids and my wife and my mother and kins and close friends na dadalaw sa bahay once in a while. parang nung good old days when everyone would just gather around a fire and tell stories. simple lang kaligayahn ko. magkwento.

kung hindi man, ipirata na rin natin at ibenta sa quiapo.

hehehehehehe.

i hope you guys understand my stand. di naman masama, di ba?

sana.

mabuhay tayong lahat! kalayaan sa ating lahat!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home