Saturday, October 16, 2004

IDENTITY CRISIS reunion at MAYRICS! FILM WORKERS Union at Amoranto!

sa mga chong/new wavers ng dekada 80,

sabay-sabay tayong mag-IMAGINING OKTOBER at SUMIGAW UMAWIT mamayang gabi, October 16, Saturday, 9pm, sa reunion performance after 15 years ng new wave/gothic group na IDENTITY CRISIS sa Mayric's (our SANCTUARY), Espana Avenue tapat ng UST. Ang Identity Crisis ang kauna-unahang rock group sa Pilipinas na out na sila ay mga lesbians at gays simula pa noong 80s na di pa uso ang mag-out at ang sinasabing closest threat noon sa trono ng THE DAWN as rock gods bago sila mag-disband at ang iba'y sumama sa LOKAL BROWN (incidentally two members formed Mariya's Mistress in the 90s, si Leni Llapitan at si Cool Carla). let us all see if they will still sing our ANTHEM. di ko lang nga ma-recall kung paano na nga ba 'yung Gold Eagle Beer commercial jingle nila? baka sakaling kantahin nila kapag kinalampag natin mga bote natin mamayang gabi at maburaot sila at mag-give in na rin dahil sa ating kakulitan. hehehehehe.

sa mga manggagawa naman sa loob ng industriya ng pelikulang pilipino, may itinatayong unyon sina carlitos siguion-reyna at joel lamangan para sa lahat ng mga nagtatrabaho sa industriya --- directors, scriptwriters, production designers, art directors, cinematographers, editors, ganun na din ng mga utility boy, clapper, gaffer, grips, at iba pa, maging mga takilyera at lagarista. bukas daw, october 17, 8am pababa, ang registration sa amoranto stadium. sama-sama tayong sumuporta at sana ipagtirik natin ng kandila na sana ay di mabahiran ng pulitika at hindi maging para sa sariling interes lang o interes ng iilan lang ang unyon na binubuo. astig sana kung para sa lahat. kitakita tayo doon. mas maraming batang taga-industriya, mas maganda dahil mas maiintindihan nila na tayo ang majority na ng viewers ng pelikula at may mga makabago at progresibong mga istilo at konsepto. ayuz! punk rock sa lahat!

1 Comments:

Anonymous animal said...

Hi :)

You have a great blog! I'll make sure to visit regularly. Keep blogging!

I have a website on Website Traffic which you might be interested in. Please check it out if you get some time :)

January 26, 2006 at 3:45 AM  

Post a Comment

<< Home